Add parallel Print Page Options

10 Kayong mangangalakal ng Tarsis,
    sakahin na ninyo[a] ang inyong lupain na tulad ng Nilo,
    sapagkat wala nang gagambala sa inyo.
11 Ang parusa ni Yahweh ay abot hanggang sa ibayong dagat
    at ibinagsak ang mga kaharian;
iniutos na niyang wasakin ang mga kuta sa Canaan.
12 Ang sabi ni Yahweh,
“Lunsod ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw mo!
    Kahit na pumunta ka sa Cyprus ay nanganganib ka pa rin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 10 sakahin na ninyo: o kaya'y tawirin na ninyo; o kaya'y pabahain ninyo .