Add parallel Print Page Options

10 Kayong mga taga-Tarshish ay malayang dumaan sa Tyre, katulad ng Ilog ng Nilo na malayang dumadaloy, dahil wala nang pipigil sa inyo. 11 Iniunat ng Panginoon ang kanyang kamay sa dagat, at niyanig niya ang mga kaharian. Iniutos niyang wasakin ang mga kampo ng Fenicia[a] 12 Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan[b] ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw ninyo. Wasak na kayo! Kahit na tumakas kayo papuntang Cyprus, hindi pa rin kayo magkakaroon ng kapahingahan doon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:11 Fenicia: sa Hebreo, Canaan.
  2. 23:12 mamamayan: sa literal, birheng anak na babae.