Font Size
Isaias 22:4-6
Ang Biblia, 2001
Isaias 22:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Kaya't sinabi ko,
“Huwag kayong tumingin sa akin,
hayaan ninyong ako'y umiyak na may kapaitan;
huwag ninyong sikaping bigyan ako ng kaaliwan,
ng dahil sa pagkawasak sa anak na babae ng aking bayan.”
5 Sapagkat ang Panginoong Diyos ng mga hukbo ay may isang araw
ng pagkakagulo at pagyapak, ng pagkalito,
sa libis ng pangitain;
pagkabagsak ng mga pader
at pagsigaw sa mga bundok.
6 Ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana,
may mga karwahe at mga mangangabayo;
at inalisan ng balot ng Kir ang kalasag.