Font Size
Isaias 21:9-11
Ang Biblia, 2001
Isaias 21:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Tingnan(A) mo, dumarating ang mga mangangabayo,
mga mangangabayong dala-dalawa!”
At siya'y sumagot at nagsabi,
“Bumagsak, bumagsak ang Babilonia;
at lahat na larawang inanyuan ng kanyang mga diyos
ay nagkadurug-durog sa lupa.”
10 O ikaw na aking giniik, at trigo ng aking giikan,
ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo,
sa Diyos ng Israel, ang aking ipinahayag sa iyo.
Ang Hula tungkol sa Edom
11 Ang pahayag tungkol sa Duma.
May tumatawag sa akin mula sa Seir,
“Bantay, gaano pa katagal ang gabi?
Bantay, gaano pa katagal ang gabi?”