Font Size
Isaias 21:10-12
Ang Biblia, 2001
Isaias 21:10-12
Ang Biblia, 2001
10 O ikaw na aking giniik, at trigo ng aking giikan,
ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo,
sa Diyos ng Israel, ang aking ipinahayag sa iyo.
Ang Hula tungkol sa Edom
11 Ang pahayag tungkol sa Duma.
May tumatawag sa akin mula sa Seir,
“Bantay, gaano pa katagal ang gabi?
Bantay, gaano pa katagal ang gabi?”
12 Sinabi ng bantay,
“Ang umaga ay dumarating, at gayundin ang gabi.
Kung kayo'y mag-uusisa, mag-usisa kayo;
muli kayong bumalik.”