Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol sa Etiopia

18 Nakakaawa ang mga lugar malapit sa mga ilog ng Etiopia,[a] na may mga pagaspas ng pakpak ng mga kulisap na naririnig.[b] Mula sa lugar na ito ay may mga sugong nakasakay sa sasakyang yari sa tambo[c] at dumadaan sa Ilog ng Nilo.

Kayong mabibilis na sugo, bumalik na kayo sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog. Bumalik na kayo sa inyong mga mamamayan na matatangkad at makikinis ang balat, mga taong makapangyarihan at kinakatakutan kahit saan.

Kayong lahat ng naninirahan sa mundo, abangan ninyo ang pagtaas ng bandila sa ibabaw ng bundok, at pakinggan ninyo ang tunog ng trumpeta. Sapagkat ito ang sinabi sa akin ng Panginoon, “Mula sa aking luklukan, panatag akong nagmamasid na parang nagniningning na araw sa katanghaliang tapat, at parang namumuong ambon sa maalinsangang gabi sa panahon ng anihan.”

Bago pa dumating ang panahon ng pag-ani, sa panahon pa lang ng pamumulaklak ng mga ubas at unti-unting paghinog ng mga bunga nito, puputulin na ng Dios ang mga sanga nito. Lilipulin ng Dios ang mga taga-Etiopia, at ang mga bangkay nila ay ipapaubaya sa ibong mandaragit at mababangis na hayop. Magiging pagkain sila ng mga ibon sa panahon ng tag-araw at ng mababangis na hayop sa panahon ng taglamig. Pero darating ang araw na tatanggap ang Panginoong Makapangyarihan ng mga handog mula sa lupaing ito na hinahati ng mga ilog. Ang mga mamamayan nitoʼy matatangkad, makikinis ang balat, makapangyarihan, at kinatatakutan kahit saan. Dadalhin nila ang kanilang mga regalo sa Bundok ng Zion, kung saan sinasamba ang Panginoong Makapangyarihan.

Footnotes

  1. 18:1 Etiopia: sa Hebreo, Cush.
  2. 18:1 may mga pagaspas ng pakpak ng mga kulisap na naririnig: o, ang kanilang mga sasakyan ay may katig.
  3. 18:2 tambo: sa Ingles, papyrus o reed.

18 Ah,(A) ang lupain ng pakpak na pumapagaspas,
    na nasa kabila ng mga ilog ng Etiopia;
na nagpapadala ng mga sugo sa gilid ng Nilo,
    sa mga sasakyang-papiro sa ibabaw ng karagatan!
Humayo kayo, maliliksing sugo,
    sa bansang mataas at patag,
sa bayang kinatatakutan sa malayo at malapit;
    isang bansang makapangyarihan at nananakop,
    na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!

Kayong lahat na nananahan sa sanlibutan,
    at kayong mga naninirahan sa lupa,
kapag ang isang hudyat ay itinaas sa mga bundok, ay inyong tingnan!
    Kapag ang trumpeta ay hinipan, makinig kayo!
Sapagkat ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin,
“Ako'y tahimik na titingin mula sa aking tinitirhan,
    gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw,
    gaya ng ulap na hamog sa init ng pag-aani.”
Sapagkat bago mag-ani, kapag ang pamumulaklak ay tapos na,
    at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog,
kanyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong,
    at ang nakaladlad na mga sanga ay kanyang puputulin.
Ang mga iyon ay pawang maiiwan
    sa mga ibong mandaragit sa mga bundok,
    at sa mga hayop sa lupa.
At kakainin ang mga iyon ng mga ibong mandaragit sa panahon ng tag-init,
    at kakainin ang mga iyon ng lahat na hayop sa lupa sa taglamig.

Sa panahong iyon ay dadalhin ang mga kaloob sa Panginoon ng mga hukbo
    ng mga taong matataas at makikisig,
    at mula sa bayang kinatatakutan sa malapit at malayo;
    isang bansang makapangyarihan at nananakop,
    na ang lupain ay hinahati ng mga ilog,
    sa Bundok ng Zion, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang hula tungkol sa Etiopia.

18 Ah, (A)ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia:

Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa (B)bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!

Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay (C)nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani.

Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin.

Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa.

Sa panahong yao'y (D)dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.

A Rebuke to Cush

18 Woe to the land of whirring wings
    that is beyond the rivers of Cush,[a]
which sends envoys by the sea,[b]
    in papyrus boats over the water!
Go, swift messengers,
    to a tall, smooth-skinned nation,
to a people feared far and wide,
    a nation that metes out[c] punishment[d] and oppresses,
        whose land the rivers divide.

All you inhabitants of the world,
    you who live on the earth,
when a banner is raised on the mountains,
    you’ll see it.
When a trumpet sounds,
    you’ll hear it!

For this is what the Lord told me:
“I will remain quiet and watch in my dwelling place
    like dazzling heat in sunshine,
        like a cloud of dew in the heat[e] of harvest.”

For before the harvest, when the season of[f] budding is over,
    and sour grapes ripen into mature grapes,[g]
he cuts off the shoots with pruning knives,
    clearing away the spreading branches
        as he lops them off.
And[h] they will all be left
    for birds of prey that live on the mountains[i]
        and for wild animals.[j]
Birds of prey will pass the summer feeding on them,
    and all the wild animals[k] will pass the winter feeding[l] on them.

At that time tribute will be brought to the Lord of the Heavenly Armies
    from[m] a tall and smooth-skinned people,
from a people feared far and wide,
    a nation that metes out[n] punishment[o] and oppresses,
whose land the rivers divide,
    to Mount Zion,
        the place that bears[p] the name of the Lord.[q]

Footnotes

  1. Isaiah 18:1 I.e. Nubia, south of Egypt (modern northern Sudan)
  2. Isaiah 18:2 Or Nile
  3. Isaiah 18:2 Or nation of strange speech; so 1QIsaa MT; LXX reads nation without hope
  4. Isaiah 18:2 1QIsaa MT LXX lack punishment
  5. Isaiah 18:4 So 1QIsaa MT; MTmss LXX read on the day
  6. Isaiah 18:5 1QIsaa MT lack season of
  7. Isaiah 18:5 Lit. flowers
  8. Isaiah 18:6 So 1QIsaa MT LXX; 4QIsab lacks And
  9. Isaiah 18:6 So 4QIsab; 1QIsaa MT read of mountains; LXX reads mountains of heaven
  10. Isaiah 18:6 Lit. for beasts of the earth; i.e. non-domesticated animals, as opposed to domesticated livestock;
  11. Isaiah 18:6 Lit. the beasts of the earth; so 1QIsaa; i.e. non-domesticated animals, as opposed to domesticated livestock; MT LXX read every beast of the field
  12. Isaiah 18:6 1QIsaa MT lack feeding
  13. Isaiah 18:7 So 1QIsaa LXX; 4QIsab MT lack from
  14. Isaiah 18:7 Or nation of strange speech; so 1QIsaa MT; LXX reads nation with hope
  15. Isaiah 18:7 1QIsaa MT LXX lack punishment
  16. Isaiah 18:7 Lit. place of
  17. Isaiah 18:7 So 1QIsaa; 4QIsab MT LXX read the Lord of the Heavenly Armies