Add parallel Print Page Options

Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan: yao'y magiging sa mga kawan, na (A)hihiga, at walang tatakot.

Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim, (B)at mawawalan ng kaharian ang Damasco, at ang nalabi sa Siria; sila'y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At mangyayari sa araw na yaon, na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit, at ang katabaan ng kaniyang laman ay (C)mangangayayat.

Read full chapter