Add parallel Print Page Options

Tingnan ninyo, ang araw ng Panginoon ay dumarating,
    mabagsik, na may poot at mabangis na galit;
upang gawing wasak ang lupa,
    at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyon.
10 Sapagkat(A) ang mga bituin ng langit at ang mga buntala nito,
    ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag;
ang araw ay magdidilim sa kanyang pagsikat,
    at hindi ibibigay ng buwan ang kanyang liwanag.
11 Aking parurusahan ang sanlibutan dahil sa kanilang kasamaan,
    at ang masasama dahil sa kanilang kabuktutan;
at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo,
    at aking ibababa ang kapalaluan ng malulupit.

Read full chapter