Add parallel Print Page Options

19 At(A) ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian,
    ang kariktan at ipinagmamalaki ng mga Caldeo,
ay magiging gaya ng Sodoma at Gomorra
    kapag ibinagsak sila ng Diyos.
20 Hindi ito matitirahan kailanman,
    ni matitirahan sa lahat ng mga salinlahi,
ni magtatayo roon ng tolda ang taga-Arabia,
    ni pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang kawan.
21 Kundi(B) maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon,
    at ang kanilang mga bahay ay mapupuno ng mga hayop na nagsisiungal;
at mga avestruz ay maninirahan doon,
    at ang mga demonyong kambing ay magsasayaw doon.

Read full chapter