Font Size
Isaias 13:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 13:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Sinabi pa ni Yahweh,
“Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media,
mga taong walang pagpapahalaga sa pilak
at di natutukso sa ginto.
18 Papatayin nila sa pamamagitan ng pana ang mga kabataang lalaki,
hindi nila kahahabagan ang mga sanggol at mga bata.
19 Ang(A) Babilonia, na pinakamaganda sa mga kaharian,
ang kayamanang ipinagmamalaki ng mga taga-Babilonia,
ay pababagsakin ng Diyos
tulad sa Sodoma at Gomorra.