Add parallel Print Page Options

Walang(A) mananakit o mamiminsala
    sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala;
sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh,
    kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.

Ang Pagbabalik ng mga Itinapon

10 Sa(B) araw na iyon, lilitaw ang isang hari mula sa angkan ni Jesse,
    at ito ang magiging palatandaan para sa mga bansa.
Ang mga bansa'y tutungo sa banal na lunsod upang siya'y parangalan.
11 Sa araw na iyon, muling kikilos ang Panginoon
    upang pauwiin ang mga nalabi sa kanyang bayan na mga bihag sa Asiria, sa Egipto, sa Patros, sa Etiopia,[a] sa Elam,
    sa Sinar, sa Hamat at sa mga pulo sa karagatan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 11:11 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.