Font Size
Isaias 11:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 11:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ngunit(A) hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha,
at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.
Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,
sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.
5 Maghahari(B) siyang may katarungan,
at mamamahala ng may katapatan.
6 Maninirahan(C) ang asong-gubat sa piling ng kordero,
mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon,
at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.