Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha,
    at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.
Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,
    sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.
Maghahari(B) siyang may katarungan,
    at mamamahala ng may katapatan.

Maninirahan(C) ang asong-gubat sa piling ng kordero,
    mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon,
    at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.

Read full chapter