Add parallel Print Page Options

Kundi(A) sa katuwiran ay hahatulan niya ang dukha,
    at magpapasiya na may karampatan para sa maaamo sa lupa.
Sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kanyang bibig,
    at sa hinga ng kanyang mga labi ay kanyang papatayin ang masama.
Katuwiran(B) ang magiging bigkis ng kanyang baywang,
    at katapatan ang pamigkis ng kanyang mga balakang.

At(C) ang asong-gubat ay maninirahang kasama ng kordero,
    at mahihigang kasiping ng batang kambing ang leopardo,
ang guya, ang batang leon, at ang patabain ay magkakasama;
    at papatnubayan sila ng munting bata.

Read full chapter