Add parallel Print Page Options

Kung(A) si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
    ay hindi nagtira ng ilan sa ating lahi,
tayo sana'y natulad sa Sodoma at Gomorra.

10 Mga pinuno ng Israel,
    pakinggan ninyo si Yahweh!
Ang inyong mga gawa ay kasinsama
    ng sa Sodoma at Gomorra.
Kaya't pakinggan ninyo at pag-aralan
    ang katuruan ng Diyos ng ating bayan.
11 “Walang(B) halaga sa akin ang dami ng inyong mga handog.
Sawa na ako sa mga tupang sinusunog
    at sa taba ng bakang inyong inihahandog;
hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro,
    mga kordero at mga kambing.

Read full chapter