Add parallel Print Page Options

15 “Kapag mananalangin kayo hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao. 16 Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan. 17 Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi[a] at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”

18 Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo. 19 Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.[b] 20 Pero kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.”

Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:17 Sawayin ninyo ang mga nang-aapi: o, Tulungan ninyo ang mga inaapi.
  2. 1:19 pagpapalain ko kayo: o, makakakain kayo ng pinakamagandang ani ng lupain.