Add parallel Print Page Options

At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, (A)Inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.

10 Patabain mo ang puso (B)ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.

Read full chapter

17 Oh Panginoon; bakit mo (A)kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at (B)pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? (C)Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.

Read full chapter

43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.

Read full chapter

26 Na sinasabi,

Pumaroon (A)ka sa bayang ito, at sabihin mo,
Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
27 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik-loob,
At sila'y aking pagalingin.

Read full chapter