Add parallel Print Page Options

Hula sa paglagpak ng Babilonia. Muling pagkatayo ng Israel.

13 (A)Ang hula tungkol sa Babilonia (B)na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.

Kayo'y mangaglagay ng isang (C)watawa't (D)sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, (E)inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.

Aking inutusan ang (F)aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang (G)aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.

Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.

Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.

(H)Magsiangal kayo; (I)sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:

At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y (J)mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.

Narito, (K)ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang (L)lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.

10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: (M)ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.

11 (N)At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; (O)at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.

12 At (P)aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na (Q)higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.

13 Kaya't (R)aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (S)kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

14 At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila (T)bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

Read full chapter

Ang hula sa Babilonia.

21 Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng (A)dagat.

Kung paanong umiikot (B)ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.

Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; (C)ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. (D)Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.

Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.

Ang aking puso ay sumisikdo, (E)kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.

Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:

At pagka siya'y nakakita ng pulutong, (F)ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.

At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog (G)na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:

At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, (H)Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at (I)lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.

10 (J)Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng (K)aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.

Read full chapter

Ang hatol ng Panginoon sa Babilonia ay sinabi.

47 Ikaw ay bumaba, (A)at umupo sa alabok, Oh (B)anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh (C)anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin.

Read full chapter