Isaias 9:1-7
Ang Biblia, 2001
Kapanganakan at Paghahari ng Prinsipe ng Kapayapaan
9 Gayunman(A) ay hindi magkakaroon ng kapanglawan sa kanya na nasa pagkahapis. Nang unang panahon ay dinala niya sa paghamak ang mga lupain ng Zebulon at Neftali, ngunit sa huling panahon ay gagawin niyang maluwalhati ang daang patungo sa dagat, ang lupain sa kabila ng Jordan, ang Galilea ng mga bansa.
2 Ang(B) bayan na lumakad sa kadiliman
ay nakakita ng dakilang liwanag;
silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman,
sa kanila sumikat ang liwanag.
3 Iyong pinarami ang bansa,
iyong pinarami ang kanilang kagalakan.
Sila'y nagagalak sa harap mo
gaya ng kagalakan sa pag-aani,
gaya ng mga tao na nagagalak kapag kanilang pinaghahatian ang samsam.
4 Sapagkat ang pamatok na kanyang pasan,
at ang pingga sa kanyang balikat,
ang panghampas ng nagpapahirap sa kanya,
ay iyong sinira na gaya sa araw ng Midian.
5 Sapagkat lahat ng sandalyas ng naglalakad na mandirigma,
at ang mga kasuotang tigmak ng dugo
ay susunugin bilang panggatong para sa apoy.
6 Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata,
sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki;
at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat;
at ang kanyang pangalan ay tatawaging
“Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos,
Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.”
7 Ang(C) paglago ng kanyang pamamahala
at ng kapayapaan ay hindi magwawakas,
sa trono ni David, at sa kanyang kaharian,
upang itatag, at upang alalayan
ng katarungan at ng katuwiran
mula sa panahong ito hanggang sa magpakailanman.
Isasagawa ito ng sigasig ng Panginoon ng mga hukbo.
Lucas 2:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, at sila'y lubhang natakot.
10 Kaya't sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan.
11 Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.
Read full chapter
Juan 3:16-21
Ang Biblia, 2001
16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hinahatulan; ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan ng tanging Anak ng Diyos.
19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanlibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kaysa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama.
20 Sapagkat ang bawat isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang ang kanyang mga gawa ay huwag malantad.
21 Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang malinaw na mahayag na ang kanyang mga gawa ay naaayon[a] sa Diyos.”
Read full chapterFootnotes
- Juan 3:21 Sa Griyego ay ginawa .