Isaiah 33
The Message
The Ground Under Our Feet Mourns
33 Doom to you, Destroyer,
not yet destroyed;
And doom to you, Betrayer,
not yet betrayed.
When you finish destroying,
your turn will come—destroyed!
When you quit betraying,
your turn will come—betrayed!
2-4 God, treat us kindly. You’re our only hope.
First thing in the morning, be there for us!
When things go bad, help us out!
You spoke in thunder and everyone ran.
You showed up and nations scattered.
Your people, for a change, got in on the loot,
picking the field clean of the enemy spoils.
5-6 God is supremely esteemed. His center holds.
Zion brims over with all that is just and right.
God keeps your days stable and secure—
salvation, wisdom, and knowledge in surplus,
and best of all, Zion’s treasure, Fear-of-God.
7-9 But look! Listen!
Tough men weep openly.
Peacemaking diplomats are in bitter tears.
The roads are empty—
not a soul out on the streets.
The peace treaty is broken,
its conditions violated,
its signers reviled.
The very ground under our feet mourns,
the Lebanon mountains hang their heads,
Flowering Sharon is a weed-choked gully,
and the forests of Bashan and Carmel? Bare branches.
10-12 “Now I’m stepping in,” God says.
“From now on, I’m taking over.
The gloves come off. Now see how mighty I am.
There’s nothing to you.
Pregnant with chaff, you produce straw babies;
full of hot air, you self-destruct.
You’re good for nothing but fertilizer and fuel.
Earth to earth—and the sooner the better.
13-14 “If you’re far away,
get the reports on what I’ve done,
And if you’re in the neighborhood,
pay attention to my record.
The sinners in Zion are rightly terrified;
the godless are at their wit’s end:
‘Who among us can survive this firestorm?
Who of us can get out of this purge with our lives?’”
15-16 The answer’s simple:
Live right,
speak the truth,
despise exploitation,
refuse bribes,
reject violence,
avoid evil amusements.
This is how you raise your standard of living!
A safe and stable way to live.
A nourishing, satisfying way to live.
God Makes All the Decisions Here
17-19 Oh, you’ll see the king—a beautiful sight!
And you’ll take in the wide vistas of land.
In your mind you’ll go over the old terrors:
“What happened to that Assyrian inspector who condemned and confiscated?
And the one who gouged us of taxes?
And that cheating moneychanger?”
Gone! Out of sight forever! Their insolence
nothing now but a fading stain on the carpet!
No more putting up with a language you can’t understand,
no more sounds of gibberish in your ears.
20-22 Just take a look at Zion, will you?
Centering our worship in festival feasts!
Feast your eyes on Jerusalem,
a quiet and permanent place to live.
No more pulling up stakes and moving on,
no more patched-together lean-tos.
Instead, God! God majestic, God himself the place
in a country of broad rivers and streams,
But rivers blocked to invading ships,
off-limits to predatory pirates.
For God makes all the decisions here. God is our king.
God runs this place and he’ll keep us safe.
23 Ha! Your sails are in shreds,
your mast wobbling,
your hold leaking.
The plunder is free for the taking, free for all—
for weak and strong, insiders and outsiders.
24 No one in Zion will say, “I’m sick.”
Best of all, they’ll all live guilt-free.
Isaias 33
Ang Biblia (1978)
Kapayapaan ay hahalili sa pagkagiba ng kaaway. Ang katatagan ng matuwid.
33 Sa aba mo na (A)sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! (B)Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.
2 Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay (C)ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
3 Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat (D)ang mga bansa.
4 At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.
5 Ang Panginoon ay nahayag; (E)sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.
6 At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.
7 Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; (F)ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.
8 Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay (G)naglilikat: (H)kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.
9 Ang lupain ay nananangis at nahahapis: (I)ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang (J)Saron ay gaya ng isang ilang; at ang (K)Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.
10 Ngayo'y babangon ako, (L)sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.
11 Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng (M)dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.
12 At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: (N)gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.
13 Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, (O)kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.
14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang (P)mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?
15 Siyang lumalakad ng matuwid, at[a] nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;
16 Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang (Q)kaniyang tubig ay sagana.
Ang Mabiyayang paghahari ng Panginoon.
17 Makikita ng iyong mga mata (R)ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.
18 Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: (S)saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?
19 Hindi mo makikita ang (T)mabagsik na bayan, (U)ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.
20 Tumingin ka sa Sion, ang (V)bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang (W)Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo (X)na hindi makikilos, ang mga tulos (Y)niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.
21 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.
22 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, (Z)ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.
23 Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.
24 At ang mamamayan ay (AA)hindi magsasabi, Ako'y may sakit: (AB)ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.
Footnotes
- Isaias 33:15 Awit 15:2; 24:4.
Copyright © 1993, 2002, 2018 by Eugene H. Peterson
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
