Isaiah 10
Darby Translation
10 Woe unto them that decree iniquitous decrees, and to the writers that prescribe oppression,
2 to turn away the poor from judgment, and to take away the right from the afflicted of my people; that widows may be their prey, and that they may rob the fatherless!
3 And what will ye do in the day of visitation, and in the sudden destruction [which] shall come from far? To whom will ye flee for help, and where will ye leave your glory?
4 They can but crouch under the prisoners, and they shall fall under the slain. For all this his anger is not turned away, and his hand is stretched out still.
5 Ah! the Assyrian! the rod of mine anger! and the staff in their hand is mine indignation.
6 I will send him against a hypocritical nation, and against the people of my wrath will I give him a charge; to take the spoil, and to seize the prey, and to tread them down like the mire of the streets.
7 But he meaneth not so, neither doth his heart think so; for it is in his heart to extirpate and cut off nations not a few.
8 For he saith, Are not my princes all kings?
9 Is not Calno as Karkemish? Is not Hamath as Arpad? Is not Samaria as Damascus?
10 As my hand hath found the kingdoms of the idols,—and their graven images exceeded those of Jerusalem and Samaria,
11 —shall I not, as I have done unto Samaria and her idols, so do to Jerusalem and her images?
12 And it shall come to pass, when the Lord hath performed his whole work upon mount Zion and upon Jerusalem, I will punish the fruit of the stoutness of heart of the king of Assyria, and the glory of his high looks.
13 For he saith, By the strength of my hand I have done [it], and by my wisdom, for I am intelligent; and I have removed the bounds of the peoples, and have robbed their treasures, and, like a valiant man, I have brought down them that sit [on thrones];
14 and my hand hath found as a nest the riches of the peoples, and as one gathereth forsaken eggs, have I gathered all the earth; and there was none that moved the wing, or opened the mouth, or chirped.
15 —Shall the axe boast itself against him that heweth therewith? shall the saw magnify itself against him that wieldeth it? As if the rod should wield them that lift it up; as if the staff should lift up [him who is] not wood!
16 Therefore shall the Lord, Jehovah of hosts, send among his fat ones leanness, and under his glory he shall kindle a burning, like the burning of a fire:
17 and the light of Israel shall be for a fire, and his Holy One for a flame; and it shall burn and devour his thorns and his briars in one day,
18 and it shall consume the glory of his forest, and of his fruitful field, both soul and body; and they shall be as when a sick man fainteth.
19 And the remainder of the trees of his forest shall be few: yea, a child might write them.
20 And it shall come to pass in that day, [that] the remnant of Israel and such as are escaped of the house of Jacob shall no more again rely upon him that smote them; but they shall rely upon Jehovah, the Holy One of Israel, in truth.
21 The remnant shall return, the remnant of Jacob, unto the mighty God.
22 For though thy people Israel be as the sand of the sea, [only] a remnant of them shall return: the consumption determined shall overflow in righteousness.
23 For a consumption, and [one] determined, will the Lord, Jehovah of hosts, accomplish in the midst of all the land.
24 Therefore thus saith the Lord, Jehovah of hosts: O my people that dwellest in Zion, be not afraid of the Assyrian; he shall smite thee with a rod, and shall lift up his staff against thee, after the manner of Egypt:
25 for yet a very little while, and the indignation shall be accomplished, and mine anger, in their destruction.
26 And Jehovah of hosts will stir up a scourge against him, according to the slaughter of Midian at the rock of Oreb; and his rod [shall be] upon the sea, and he will lift it up after the manner of Egypt.
27 And it shall come to pass in that day, [that] his burden shall be taken away from off thy shoulder, and his yoke from off thy neck; and the yoke shall be destroyed because of the anointing. …
28 He is come to Aiath, he hath passed through Migron; at Michmash he layeth up his baggage.
29 They are gone through the pass; they make their lodging at Geba: Ramah trembleth, Gibeah of Saul is fled.
30 Lift up thy voice, daughter of Gallim! Hearken, O Laish!—Poor Anathoth!
31 Madmenah is fugitive; the inhabitants of Gebim take to flight.
32 Still a day of halting at Nob; he shaketh his hand [against] the mount of the daughter of Zion, the hill of Jerusalem. …
33 Behold the Lord, Jehovah of hosts, shall lop the boughs with violence; and the high ones of stature shall be hewn down, and the haughty shall be brought low;
34 and he shall make clearings in the thickets of the forest with iron; and Lebanon shall fall by a mighty one.
Isaias 10
Magandang Balita Biblia
10 Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao,
2 upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan,
upang alisan ng karapatan ang mahihirap,
at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.
3 Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa,
pagdating ng pagkawasak na magmumula sa malayo?
Kanino kayo lalapit upang humingi ng tulong,
at kanino ninyo iiwanan ang inyong kayamanan,
4 upang hindi kayo mabilanggo, o mamatay sa labanan?
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi nawawala ang kanyang poot;
patuloy niyang paparusahan ang kanyang bayan.
Ang Layunin ng Diyos at ang Hari ng Asiria
5 Ikaw(A) Asiria ang gagamitin kong pamalo—
ang tungkod ng aking pagkapoot.
6 Isusugo ko siya laban sa isang bayang walang diyos,
isang bayang kinapopootan ko,
upang ito'y wasakin at samsaman ng lahat ng yaman
at tapakang parang putik sa lansangan.
7 Ngunit hindi ganito ang binabalak ng hari ng Asiria,
wala nga ito sa isipan niya.
Ang layunin niya'y wasakin ang maraming bansa.
8 Ang sabi niya:
“Hindi ba't pawang hari ang aking mga pinuno?
9 Ano ang pagkakaiba ng Calno sa Carquemis?
Ng Hamat sa Arpad,
at ng Samaria sa Damasco?
10 Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan;
na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria,
11 hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito,
ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?”
12 Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan.
13 Sapagkat ang sabi niya:
“Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan,
inalis ko ang hangganan ng mga bansa,
at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan;
ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono.
14 Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad.
Tinipon ko ang buong lupa
tulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan,
wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad,
walang bibig na bumubuka o huning narinig.”
15 Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito?
Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito?
Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito?
16 Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,
ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma,
at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan,
parang sigang maglalagablab nang walang katapusan.
17 Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy,
ang Banal na Diyos ay magniningas,
at susunugin niya sa loob ng isang araw
maging ang mga tinik at dawag.
18 Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin,
kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao.
19 Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat,
ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos.
Ang Pagbabalik ng mga Natirang Sambahayan ng Israel
20 Sa araw na iyon ang matitira sa bansang Israel at Juda ay hindi na aasa sa mga nagpahirap sa kanila. Kay Yahweh lamang, sa Banal na Diyos ng Israel, sila mananalig nang buong katapatan. 21 Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan, 22 sapagkat(B) kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat. 23 Sa takdang panahon, ang buong bansa ay wawakasan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.
24 Kaya ganito ang sinasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon: “O bayan kong naninirahan sa Zion, huwag kang matakot sa mga taga-Asiria kung ikaw ma'y hampasin nila o pahirapan tulad ng ginawa sa iyo ng mga taga-Egipto. 25 Sapagkat hindi magtatagal at lilipas na ang galit ko sa iyo, at sa kanila ko ibabaling ang aking poot. 26 At hahagupitin ko sila tulad ng puksain ko ang mga Midianita sa Bato ng Oreb. Itataas ko ang aking tungkod sa ibabaw ng dagat tulad ng ginawa ko sa mga taga-Egipto. 27 Sa araw na iyon aalisin sa iyong balikat ang pahirap na ginagawa ng Asiria at wawasakin na ang pamatok sa iyong leeg.”
Sumalakay siya buhat sa Rimon.
28 At nakarating na sa Aiat,[a]
lumampas na siya sa Migron
at iniwan sa Micmas ang kanyang dala-dalahan.
29 Nakatawid na sila sa tawiran,
at sa Geba magpapalipas ng gabi.
Nanginginig ang mga taga-Rama
at tumakas na ang mga taga-Gibea na kababayan ni Saul.
30 Sumigaw kayo ng malakas, mga taga-Galim!
Makinig kayo, mga taga-Laisa;
sumagot kayo, taga-Anatot!
31 Tumatakas na ang Madmena,
nag-alisan na ang mga taga-Gebim para sa kanilang kaligtasan.
32 Sa araw na ito darating sa Nob ang kaaway,
ibinigay na niya ang hudyat
na salakayin ang Bundok ng Zion,
ang Burol ng Jerusalem.
33 Masdan ninyo si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon!
Sa pamamagitan ng nakakapangilabot na lakas,
ibubuwal niya ang pinakamatataas na puno.
Ibinabagsak niya ang mga palalo.
34 Ibinubuwal niya ang mga punongkahoy sa kagubatan sa pamamagitan ng palakol,
bagsak na ang Lebanon at ang matatayog nitong punongkahoy.
Footnotes
- Isaias 10:28 Aiat: o kaya'y Ai .
Public Domain (Why are modern Bible translations copyrighted?)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
