Assyria Will Invade the Land

Moreover the Lord said to me, “Take a large scroll, and (A)write on it with a man’s pen concerning [a]Maher-Shalal-Hash-Baz. And I will take for Myself faithful witnesses to record, (B)Uriah the priest and Zechariah the son of Jeberechiah.”

Then I went to the prophetess, and she conceived and bore a son. Then the Lord said to me, “Call his name Maher-Shalal-Hash-Baz; (C)for before the child [b]shall have knowledge to cry ‘My father’ and ‘My mother,’ (D)the riches of Damascus and the [c]spoil of Samaria will be taken away before the king of Assyria.”

The Lord also spoke to me again, saying:

“Inasmuch as these people refused
The waters of (E)Shiloah that flow softly,
And rejoice (F)in Rezin and in Remaliah’s son;
Now therefore, behold, the Lord brings up over them
The waters of [d]the River, strong and mighty—
The king of Assyria and all his glory;
He will [e]go up over all his channels
And go over all his banks.
He will pass through Judah,
He will overflow and pass over,
(G)He will reach up to the neck;
And the stretching out of his wings
Will [f]fill the breadth of Your land, O (H)Immanuel.[g]

“Be(I) shattered, O you peoples, and be broken in pieces!
Give ear, all you from far countries.
Gird yourselves, but be broken in pieces;
Gird yourselves, but be broken in pieces.
10 (J)Take counsel together, but it will come to nothing;
Speak the word, (K)but it will not stand,
(L)For [h]God is with us.”

Fear God, Heed His Word

11 For the Lord spoke thus to me with [i]a strong hand, and instructed me that I should not walk in the way of this people, saying:

12 “Do not say, ‘A conspiracy,’
Concerning all that this people call a conspiracy,
Nor be afraid of their [j]threats, nor be [k]troubled.
13 The Lord of hosts, Him you shall hallow;
Let Him be your fear,
And let Him be your dread.
14 (M)He will be as a [l]sanctuary,
But (N)a stone of stumbling and a rock of [m]offense
To both the houses of Israel,
As a trap and a snare to the inhabitants of Jerusalem.
15 And many among them shall (O)stumble;
They shall fall and be broken,
Be snared and [n]taken.”

16 Bind up the testimony,
Seal the law among my disciples.
17 And I will wait on the Lord,
Who (P)hides His face from the house of Jacob;
And I (Q)will hope in Him.
18 (R)Here am I and the children whom the Lord has given me!
We (S)are for signs and wonders in Israel
From the Lord of hosts,
Who dwells in Mount Zion.

19 And when they say to you, (T)“Seek those who are mediums and wizards, (U)who whisper and mutter,” should not a people seek their God? Should they (V)seek the dead on behalf of the living? 20 (W)To the law and to the testimony! If they do not speak according to this word, it is because (X)there[o] is no light in them.

21 They will pass through it hard-pressed and hungry; and it shall happen, when they are hungry, that they will be enraged and (Y)curse [p]their king and their God, and look upward. 22 Then they will look to the earth, and see trouble and darkness, gloom of anguish; and they will be driven into darkness.

Footnotes

  1. Isaiah 8:1 Lit. Speed the Spoil, Hasten the Booty
  2. Isaiah 8:4 knows how
  3. Isaiah 8:4 plunder
  4. Isaiah 8:7 The Euphrates
  5. Isaiah 8:7 Overflow
  6. Isaiah 8:8 Lit. be the fullness of
  7. Isaiah 8:8 Lit. God-With-Us
  8. Isaiah 8:10 Heb. Immanuel
  9. Isaiah 8:11 Mighty power
  10. Isaiah 8:12 Lit. fear or terror
  11. Isaiah 8:12 Lit. in dread
  12. Isaiah 8:14 holy abode
  13. Isaiah 8:14 stumbling over
  14. Isaiah 8:15 captured
  15. Isaiah 8:20 Or they have no dawn
  16. Isaiah 8:21 Or by their king and by their God

Ipinanganak ang Anak na Lalaki ni Isaias

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Kumuha ka ng isang malapad na sulatan, at isulat mo ang mga katagang ito: ‘Maher Shalal Hash Baz.’ ”[a] Kumuha ako ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi na magpapatunay na isinulat ko nga ito. Sila ay sina Uria na pari, at Zacarias na anak ni Jeberekia.

Pagkatapos, sumiping ako sa aking asawa. Hindi nagtagal, naglihi siya at nanganak ng lalaki. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Pangalanan mo siyang Maher Shalal Hash Baz. Bago matutong tumawag ang bata ng ‘tatay’ o ‘nanay,’ ang kayamanan ng Damascus at ang mga sinamsam ng Samaria ay kukunin ng hari ng Asiria.”

Sinabi pa ng Panginoon sa akin, “Dahil sa tinanggihan ng mga taong ito[b] ang tubig ng Shiloa na umaagos nang banayad,[c] at natutuwa sila kay Haring Rezin at Haring Peka, ipapasalakay ko sila sa hari ng Asiria at sa mga sundalo nito na parang Ilog ng Eufrates na bumabaha at umaapaw sa kanyang mga pampang. Dadagsa sila sa Juda gaya ng baha na ang tubig ay tumataas hanggang leeg at umaapaw sa buong lupain.”

Pero kasama namin ang Dios![d] Kayong mga bansa, kahit na magsama-sama kayo, magkakawatak-watak pa rin kayo. Makinig kayong mga nasa malayo! Kahit na maghanda pa kayo sa pakikipagdigma, matatalo pa rin kayo. 10 Anuman ang binabalak ninyo laban sa amin ay hindi magtatagumpay, dahil kasama namin ang Dios.[e]

Panawagan ng Pagtitiwala sa Dios

11 Mariin akong binalaan ng Panginoon na huwag kong gagayahin ang pamamaraan ng mga kababayan ko. 12 Sinabi rin niya, “Huwag kayong makikipag-isa sa ibang mga bansa katulad ng ginagawa ng iba. Huwag kayong matatakot sa kinakatakutan nila, at huwag kayong kabahan. 13 Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan. 14 Ako ang magiging kanlungan ninyo. Pero sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag. 15 Marami sa kanila ang matitisod, madadapa at mapapahamak. Masisilo sila at mahuhuli.”

16 Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko. 17 Magtitiwala ako sa Panginoon kahit na tinalikuran niya ang lahi ni Jacob. Sa kanya ako aasa. 18 Ako at ang mga anak kong ibinigay ng Panginoon ay mga palatandaan para sa Israel[f] mula sa Panginoong Makapangyarihan na nakatira sa Bundok ng Zion. 19 Kapag may mga nagsasabi sa inyong humingi kayo ng mensahe mula sa mga patay sa pamamagitan ng mga mangkukulam at mga espiritistang bumubulong-bulong, huwag ninyong gagawin iyon. Hindi ba dapat sa Dios kayo humingi ng mensahe? Bakit sa mga patay kayo nagtatanong tungkol sa mga buhay? 20 Ang kautusan at katuruan ng Panginoon ang dapat ninyong pakinggan. Kapag may mga nagsasabi ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ng Panginoon, nadidiliman pa ang pag-iisip ng mga taong iyon.

21 Lalakad sila na pagod at gutom. At dahil sa gutom, magagalit sila at susumpain ang hari nila at ang kanilang Dios. Tumingala man sila sa langit 22 o tumingin sa lupa wala silang makikita kundi kahirapan at kadiliman. At doon sila dadalhin sa matinding kadiliman.

Footnotes

  1. 8:1 Maher Shalal Hash Baz: Ang ibig sabihin, mabilis kumuha, mabilis umagaw. Ganito rin sa talatang 3.
  2. 8:6 mga taong ito: mga taga-Juda.
  3. 8:6 ang tubig ng Shiloa na umaagos nang banayad: Maaaring ang ibig sabihin ay ang proteksyon ng Dios.
  4. 8:8 kasama namin ang Dios: sa Hebreo, Emmanuel.
  5. 8:10 kasama namin ang Dios: Tingnan ang footnote sa talatang 8.
  6. 8:18 mga palatandaan para sa Israel: Ang ibig sabihin ay may kahulugan ang kanilang mga pangalan para sa Israel.