Hukom 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Anghel ng Panginoon sa Bokim
2 Pumunta ang anghel ng Panginoon sa Bokim mula sa Gilgal. At sinabi niya sa mga Israelita, ito ang ipinapasabi ng Panginoon: “Inilabas ko kayo sa Egipto at dinala dito sa lupain na ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Sinabi ko noon na hindi ko sisirain ang kasunduan ko sa inyo. 2 Sinabi ko rin na huwag kayong gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing ito kundi gibain nʼyo ang mga altar nila. Pero ano ang ginawa ninyo? Hindi nʼyo ako sinunod! 3 Kaya ngayon, hindi ko sila itataboy sa lupain ninyo. Magiging parang tinik sila sa daraanan ninyo at ang mga dios nila ay magiging parang bitag sa inyo.”
4 Nang marinig ito ng mga Israelita, humagulgol sila. 5 Kaya tinawag nilang Bokim[a] ang lugar na iyon. At doon sila naghandog sa Panginoon.
6 Nang pinauwi na ni Josue ang mga Israelita, umalis sila upang angkinin ang lupain na nakalaan para sa kanila. 7 At naglingkod sila sa Panginoon habang nabubuhay si Josue. At kahit namatay na siya, patuloy pa rin silang naglingkod sa Panginoon habang nabubuhay ang mga tagapamahala ng Israel na nakakita ng lahat ng kahanga-hangang ginawa ng Panginoon para sa Israel. 8 Ang lingkod ng Panginoon na si Josue na anak ni Nun ay namatay sa edad na 110. 9 Inilibing siya sa kanyang lupain doon sa Timnat Heres, sa kabundukan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok ng Gaas.
Huminto ang mga Israelita sa Paglilingkod sa Panginoon
10 Nang mamatay ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay hindi nakikilala ang Panginoon, maging ang mga ginawa niya para sa Israel. 11 Gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon at naglingkod sa mga imahen ni Baal. 12 Itinakwil nila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno, na siyang naglabas sa kanila sa Egipto. Sinunod nila at sinamba ang ibaʼt ibang dios ng mga tao sa paligid nila. Nagalit ang Panginoon, 13 dahil itinakwil siya ng mga ito at naglingkod kay Baal at kay Ashtoret. 14 Dahil sa galit ng Panginoon sa Israel, pinabayaan niyang lusubin sila ng mga tulisan para samsamin ang kanilang mga ari-arian. Pinabayaan din sila ng Panginoon na matalo ng mga kaaway nila sa paligid at hindi na nila makayanang ipagtanggol ang kanilang sarili. 15 Kapag nakikipaglaban sila, pinapatalo sila ng Panginoon, tulad ng sinabi niya. Kaya labis silang nahirapan.
16 Ngayon, binigyan ng Panginoon ang Israel ng mga pinuno[b] na magliligtas sa kanila mula sa mga tulisan. 17 Pero hindi nila pinansin ang kanilang mga pinuno. Sa halip, tumalikod sila sa Panginoon at sumamba sa ibang mga dios. Hindi sila katulad ng kanilang mga ninuno. Napakadali nilang tumalikod sa mga utos ng Dios na sinunod noon ng mga ninuno nila. 18 Ang lahat na pinunong ibinigay ng Panginoon sa kanila ay tinulungan niya. At habang buhay ang pinuno nila, inililigtas sila ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. Sapagkat naaawa siya sa kanila dahil sa mga pagtitiis nila sa mga nanggigipit at nagpapahirap sa kanila. 19 Pero kapag namatay na ang pinuno, bumabalik na naman sila sa masasama nilang gawa. Muli silang naglilingkod at sumasamba sa ibang mga dios mas masahol pa sa pagkakasala ng kanilang mga ninuno. Ayaw nilang talikuran ang masasamang gawain nila at ang katigasan ng kanilang mga ulo.
20 Kaya lalo pang nagalit ang Panginoon sa kanila. Sinabi ng Panginoon, “Dahil nilabag ng bansang ito ang kasunduan ko sa kanilang mga ninuno, at hindi nila ako sinunod, 21 hindi ko itataboy ang natirang mga bansa na hindi nasakop ni bago siya namatay. 22 Gagamitin ko ang mga bansang ito para subukin ang mga Israelita kung talagang tutuparin nila ang aking mga utos katulad ng kanilang mga ninuno.” 23 Ito ang dahilan kung bakit hindi agad itinaboy ng Panginoon ang natirang mga bansa at hindi niya pinahintulutang matalo ito ni Josue.
Judges 2
Tree of Life Version
After Joshua, Israel Abandons Adonai
2 Now the angel of Adonai came up from Gilgal to Bochim, and He said, “I brought you up out of Egypt and took you into the land which I swore to your fathers. I also said, ‘I will never break My covenant with you. 2 Now as for you, you must make no covenant with the inhabitants of this land. You must break down their altars.’ But you have not listened to My voice. What is this you have done? 3 Therefore I also said, ‘I will not drive them out from before you, but they will be thorns in your sides, and their gods will be a snare to you.’” 4 Now when the angel of Adonai spoke these words to all Bnei-Yisrael, the people lifted up their voice and wept. 5 So they called the name of that place Bochim[a], and they sacrificed there to Adonai.
6 Now when Joshua had sent the people away, Bnei-Yisrael went every man to his inheritance to possess the land. 7 Then the people worshipped Adonai all the days of Joshua, and all the days of the elders that outlived Joshua, who had seen all the great work of Adonai that He had done for Israel. 8 Then Joshua son of Nun, the servant of Adonai, died at the age of 110 years, 9 and they buried him in the territory of his inheritance in Timnath-heres, in the hill country of Ephraim north of Mount Gaash.
10 But when all that generation were gathered to their fathers, there arose another generation after them that did not experience Adonai or the work that He had done for Israel. 11 Then Bnei-Yisrael did what was evil in Adonai’s eyes, and worshipped the Baalim. 12 They abandoned Adonai, the God of their fathers, who had brought them out of the land of Egypt, and followed other gods from among the gods of the peoples around them, and bowed down to them. So they provoked the anger of Adonai. 13 So they forsook Adonai and worshipped Baal and the Ashtaroth. 14 So the anger of Adonai burned against Israel, and He gave them over to the hands of plunderers who plundered them, and He sold them over into the hand of their enemies around them, so that they could no longer stand up before their enemies. 15 Whenever they went out, the hand of Adonai was against them for evil, as Adonai had spoken and as Adonai had sworn to them. So they were severely distressed.
Rise of Judges
16 Then Adonai raised up judges who delivered them from the hand of those who plundered them. 17 Yet they listened not to their judges, for they prostituted themselves after other gods and bowed down to them. They quickly turned aside from the way in which their fathers walked in obeying the commandments of Adonai; they did not do so. 18 Whenever Adonai raised judges up for them, Adonai was with the judge and delivered them from the hand of their enemies all the days of the judge. For Adonai was moved to pity by their groaning because of those who oppressed and crushed them. 19 But when the judge died, they would keep turning back and acted more corruptly than their fathers, in following other gods, worshipping them, and bowing down to them. They abandoned none of their practices and stubborn ways.
20 So the anger of Adonai burned against Israel, and He declared, “Since this nation has transgressed My covenant that I commanded their fathers and has not listened to My voice, 21 I also will no longer drive out before them any of the nations that Joshua left when he died, 22 in order to test Israel by them, whether or not they will keep the way of Adonai to walk in it as their fathers did.” 23 So Adonai left those nations, without driving them out quickly. Thus so He had not given them into the hand of Joshua.
Footnotes
- Judges 2:5 Means weepers.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Tree of Life (TLV) Translation of the Bible. Copyright © 2015 by The Messianic Jewish Family Bible Society.