Add parallel Print Page Options

Pumunta si Samson sa Timnah kasama ang mga magulang niya. Nang papunta na si Samson[a] sa mga ubasan sa Timnah, bigla siyang sinalubong ng isang batang leon na umuungal. Pinalakas siya ng Espiritu ng Panginoon, at niluray niya ang leon sa pamamagitan ng mga kamay niya na tulad lang ng pagluray sa batang kambing. Pero hindi niya ito sinabi sa mga magulang niya. At pinuntahan ni Samson ang babae at nakipagkwentuhan. Nagustuhan talaga niya ang babae.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:5 Samson: sa Septuagint, siya. Sa Hebreo, sila.