Add parallel Print Page Options

15 Sumagot si Acsa, “Hihingi po sana ako ng pabor sa inyo, gusto ko po sanang bigyan nʼyo ako ng lupaing may mga bukal, dahil ang lupaing ibinigay nʼyo sa akin sa Negev ay walang bukal.” Kaya ibinigay sa kanya ni Caleb ang lugar na may mga bukal sa itaas at sa ibaba ng Negev.

Ang mga Pananakop ng lahi ni Juda at ng lahi ni Benjamin

16 Pag-alis ng lahi ni Juda sa lungsod ng Jerico,[a] sumama sa kanila ang mga Keneo, na mula sa angkan ng biyenan ni Moises, papunta sa ilang ng Juda. Tumira sila kasama ng mga tao roon, malapit sa bayan ng Arad sa Negev.

17 Pagkatapos, ang lahi naman ni Simeon ang tinulungan ng lahi ni Juda na sakupin ang lungsod ng Zefat na tinitirhan din ng mga Cananeo. Winasak nila nang husto[b] ang lungsod, kaya tinawag itong Horma.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:16 lungsod ng Jerico: sa Hebreo, lungsod ng mga palma.
  2. 1:17 Winasak … husto: Ang kahulugan nito sa Hebreo ay ang mga bagay na ibinigay sa Panginoon bilang handog o winasak ang mga ito.
  3. 1:17 Horma: Ang ibig sabihin, pagkawasak.