Add parallel Print Page Options

12 Ang kasamaan ng Efraim ay nababalot;
    ang kanyang kasalanan ay nakaimbak.
13 Ang sakit ng panganganak ay dumarating para sa kanya;
    ngunit siya'y isang hangal na anak;
sapagkat sa tamang panahon ay hindi siya nagpapakita
    sa bungad ng sinapupunan.

14 Tutubusin(A) ko ba sila mula sa kapangyarihan ng Sheol?
    Tutubusin ko ba sila mula kay Kamatayan?
O Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot?
    O Sheol, nasaan ang iyong pangwasak?
    Ang kahabagan ay nakatago sa aking mga mata.

Read full chapter