Font Size
Hosea 7:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hosea 7:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutan ang kanilang mga kasamaan. Hanggang ngayon ay nakatali pa sila sa kanilang mga kasalanan at nakikita kong lahat ito. 3 Napapasaya nila ang kanilang hari at mga pinuno sa kanilang kasamaan at kasinungalingan. 4 Lahat silaʼy mga taksil.[a] Para silang mainit na pugon na ang apoy ay hindi na kailangang paningasin ng panadero mula sa oras ng pagmamasa ng harina hanggang sa itoʼy umalsa.
Read full chapterFootnotes
- 7:4 taksil: o, nangangalunya. Maaari rin na ang ibig sabihin nito ay sumasamba sila sa mga dios-diosan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®