Hosea 6
Ang Dating Biblia (1905)
6 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.
3 At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga.
5 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
7 Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin.
8 Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.
9 At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan.
10 Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.
11 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.
Hosea 6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hindi Tapat ang Pagsisisi ng Israel
6 Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa Panginoon. Sinaktan niya tayo, kaya siya rin ang magpapagaling sa atin. 2 Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal,[a] at ibabangon niya tayo para mamuhay sa kanyang presensya. 3 Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.”
4 Pero sinabi ng Panginoon, “O Israel[b] at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay parang ambon o hamog sa umaga na madaling mawala. 5 Kaya nga binalaan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta na kayoʼy mapapahamak at mamamatay. Hahatulan ko kayo na kasimbilis ng kidlat. 6 Sapagkat hindi ang inyong mga handog ang nais ko, kundi ang inyong pagmamahal.[c] Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako kaysa sa mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog. 7 Pero tulad ni Adan, sinira ninyo ang kasunduan natin. Nagtaksil kayo sa akin diyan sa inyong lugar.[d] 8 Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng masasamang tao at mga mamamatay-tao. 9 Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem,[e] at gumagawa ng marami pang nakakahiyang gawain. 10 Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan, kaya naging marumi[f] kayo. 11 Kayo ring mga taga-Juda ay nakatakda nang parusahan.
“Gusto ko sanang ibalik ang mabuting kalagayan ng aking mga mamamayan.”
Footnotes
- 6:2 agad … magtatagal: sa literal, pagkatapos ng ikalawang araw o sa ikatlong araw.
- 6:4 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 10. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
- 6:6 pagmamahal: Maaaring ang ibig sabihin, pagmamahal sa Dios; o, pagmamahal sa kapwa.
- 6:7 Pero tulad ni Adan … sa inyong lugar: o, Sa lugar ng Adan … sa lugar na iyon.
- 6:9 Shekem: Isa ito sa mga bayan kung saan maaaring magtago ang sinumang makapatay ng tao nang hindi sinasadya, at doon ay walang sinumang makakagalaw sa kanya.
- 6:10 marumi: Ang ibig sabihin, hindi na maaaring makabahagi sa mga seremonya sa templo.
Hosea 6
New International Version
Israel Unrepentant
6 “Come, let us return(A) to the Lord.
He has torn us to pieces(B)
but he will heal us;(C)
he has injured us
but he will bind up our wounds.(D)
2 After two days he will revive us;(E)
on the third day(F) he will restore(G) us,
that we may live in his presence.
3 Let us acknowledge the Lord;
let us press on to acknowledge him.
As surely as the sun rises,
he will appear;
he will come to us like the winter rains,(H)
like the spring rains that water the earth.(I)”
4 “What can I do with you, Ephraim?(J)
What can I do with you, Judah?
Your love is like the morning mist,
like the early dew that disappears.(K)
5 Therefore I cut you in pieces with my prophets,
I killed you with the words of my mouth(L)—
then my judgments go forth like the sun.[a](M)
6 For I desire mercy, not sacrifice,(N)
and acknowledgment(O) of God rather than burnt offerings.(P)
7 As at Adam,[b] they have broken the covenant;(Q)
they were unfaithful(R) to me there.
8 Gilead is a city of evildoers,(S)
stained with footprints of blood.
9 As marauders lie in ambush for a victim,(T)
so do bands of priests;
they murder(U) on the road to Shechem,
carrying out their wicked schemes.(V)
10 I have seen a horrible(W) thing in Israel:
There Ephraim is given to prostitution,
Israel is defiled.(X)
11 “Also for you, Judah,
a harvest(Y) is appointed.
“Whenever I would restore the fortunes(Z) of my people,
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.