Add parallel Print Page Options

Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal,[a] at ibabangon niya tayo para mamuhay sa kanyang presensya. Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.”

Pero sinabi ng Panginoon, “O Israel[b] at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay parang ambon o hamog sa umaga na madaling mawala.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:2 agad … magtatagal: sa literal, pagkatapos ng ikalawang araw o sa ikatlong araw.
  2. 6:4 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 10. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.