Font Size
Hosea 4:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hosea 4:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Yumayaman sila dahil sa kasalanan ng mga tao;
nabubusog sila sa kasamaan ng aking bayan.
9 At gayon nga ang nangyayari, kung ano ang pari, gayundin ang bayan.
Kaya't paparusahan ko sila at pagbabayarin,
dahil sa kanilang kasamaan.
10 Sila'y kakain, ngunit hindi mabubusog;
makikipagtalik sila sa mga babae sa templo, ngunit hindi sila magkakaanak;
sapagkat itinakwil nila si Yahweh
at sila'y bumaling sa ibang mga diyos.”