Add parallel Print Page Options

Si Hoseas at ang Kanyang Asawa

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Umalis ka at ipakita mong muli ang pagmamahal mo sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga dios at gustong maghandog sa kanila ng mga tinapay na may mga pasas.”

Kaya binili ko siya[a] sa halagang 15 pirasong pilak at apat na sakong sebada.[b] At sinabi ko sa kanya, “Makisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki. Kahit ako ay hindi muna sisiping sa iyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:2 binili ko siya: Hindi matiyak kung siyaʼy kailangang bilhin. Iba-iba ang mga pakahulugan dito.
  2. 3:2 apat na sakong sebada: sa Septuagint, tatlong sakong sebada at ilang litrong alak.