Add parallel Print Page Options

“Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’[a] at ‘Kinaawaan.’ ”[b]

Sumama sa Ibang Lalaki si Gomer

Mga anak, sawayin ninyo ang inyong ina dahil iniwan na niya ako na kanyang asawa. Sabihin ninyo na dapat tigilan na niya ang pangangalunya. Kung hindi siya titigil ay huhubaran ko siya, at ang kahubaran niya ay gaya noong siya ay isinilang. Gagawin ko siyang parang disyerto o ilang, at pababayaang mamatay sa uhaw. 4-5 At kayong mga anak niya ay hindi ko kaaawaan, dahil mga anak kayo ng babaeng nangangalunya. Nakakahiya ang ginagawa ng inyong inang nagsilang sa inyo. Sinabi pa niya, ‘Hahabulin ko ang aking mga lalaki na nagbibigay sa akin ng pagkain, tubig, telang lana at linen, langis, at inumin.’

“Kaya babakuran ko siya ng matitinik na mga halaman para hindi siya makalabas. Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya maaabutan. Hahanapin niya sila pero hindi rin niya makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa asawa ko dahil higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’

“Hindi niya naisip na ako ang nagbigay sa kanya ng mga butil, ng bagong katas ng ubas, langis, at maraming pilak at ginto na ginawang rebulto ni Baal na kanilang dios-diosan. Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong katas ng ubas na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linen na ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran. 10 At ngayon, ilalantad ko ang kanyang kahalayan sa harap ng kanyang mga lalaki, at walang makapagliligtas sa kanya mula sa aking mga kamay. 11 Wawakasan ko na ang lahat ng espesyal na araw ng pagsamba na ginagawa niya taun-taon, buwan-buwan, at linggu-linggo.[c] 12 Sisirain ko ang mga ubasan niya at mga puno ng igos na ibinayad daw sa kanya ng kanyang mga lalaki. Gagawin ko itong parang gubat at kakainin ng mga mababangis na hayop sa gubat ang mga bunga nito. 13 Parurusahan ko siya dahil may mga panahong nagsusunog siya ng mga insenso sa dios-diosang si Baal. Nagsuot siya ng mga alahas at humabol sa kanyang mga lalaki, at kinalimutan niya ako. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

14 “Pero masdan mo, dadalhin ko siya sa ilang at muling liligawan hanggang sa mapaibig ko siyang muli. 15 Pagbalik namin, ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan niya, at ang Lambak ng Acor[d] ay gagawin kong daanan na magpapaalala ng magandang kinabukasan. At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niya noong panahon ng kanyang kabataan, noong kinuha ko siya sa lupain ng Egipto.”

16 Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal.[e] 17 Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal. 18 Sa araw na iyon, makikipagkasundo ako sa lahat ng uri ng hayop na huwag nila kayong sasaktan. Aalisin ko sa lupain ng Israel ang lahat ng sandata tulad ng mga pana at espada. At dahil wala nang digmaan, matutulog kayong ligtas at payapa.

19 “Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama. Mamahalin ko kayo at kaaawaan. 20 Itatalaga ko sa inyo ang aking sarili nang buong katapatan, at kikilalanin na ninyo ako bilang Panginoon. 21 Sa araw na iyon, sasagutin ko ang mga dalangin ninyo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. Magpapadala ako ng ulan upang tumubo sa lupa 22 ang mga trigo, ubas, at mga olibo para sa inyo na tinatawag na Jezreel.[f] 23 Patitirahin ko kayo sa inyong lupain bilang mga mamamayan ko. Kaaawaan ko kayong tinatawag na Lo Ruhama,[g] at tatawagin ko kayong aking mga mamamayan kayong tinatawag na Lo Ami.[h] At sasabihin ninyo na ako ang inyong Dios.”

Footnotes

  1. 2:1 Aking mga mamamayan: sa Hebreo, Ami.
  2. 2:1 Kinaawaan: sa Hebreo, Ruhama.
  3. 2:11 buwan-buwan, at linggu-linggo: sa literal, Pista ng Pagsisimula ng Buwan at Araw ng Pamamahinga.
  4. 2:15 Acor: Ang ibig sabihin, kaguluhan.
  5. 2:16 Baal: Pangalan ito ng isang dios-diosan sa Canaan na ipinangalan din ng mga Israelita sa Panginoon. Ang Baal ay nangangahulugan din na “amo”.
  6. 2:22 Jezreel: Sina Jezreel (talatang 22), Lo Ruhama at Lo Ami (talatang 23) ay mga anak nina Hoseas at Gomer (1:3-9), pero ang kanilang mga pangalan dito ay mga tawag sa Israel.
  7. 2:23 Lo Ruhama: Ang ibig sabihin, hindi kinaawaan.
  8. 2:23 Lo Ami: Ang ibig sabihin, hindi ko mga mamamayan.

Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalake, Ammi; at sa inyong mga kapatid na babae ay, Ruhama.

Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso;

Baka siya'y aking hubaran, at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya'y ipanganak, at gawin ko siyang parang isang ilang, at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa, at patayin ko siya sa uhaw;

Oo, sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag; sapagka't sila'y mga anak sa patutot.

Sapagka't ang kanilang ina ay nagpatutot; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y susunod sa mga mangingibig sa akin, na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng langis ko at ng inumin ko.

Kaya't, narito, aking babakuran ng mga tinik ang iyong daan, at ako'y gagawa ng bakod laban sa kaniya, na hindi niya, masusumpungan ang kaniyang mga landas.

At siya'y susunod sa mga mangingibig sa kaniya, nguni't hindi niya sila aabutan; at hahanapin niya sila, nguni't hindi niya sila masusumpungan; kung magkagayo'y sasabihin niya, Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagka't naging mabuti sa akin kay sa ngayon.

Sapagka't hindi niya naalaman na ako ang nagbigay sa kaniya ng trigo, at ng alak, at ng langis, at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto, na kanilang ginamit kay Baal.

Kaya't aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon, at ang aking alak sa panahon niyaon, at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana'y tatakip sa kaniyang kahubaran.

10 At ngayo'y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay.

11 Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.

12 At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas, at ang kaniyang mga puno ng higos, na siya niyang sinasabi, Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin; at ang mga yao'y aking gagawing isang gubat, at kakanin ng mga hayop sa parang.

13 At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas, at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya, at kinalilimutan ako, sabi ng Panginoon.

14 Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw.

15 At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto.

16 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.

17 Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan.

18 At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing tiwasay.

19 At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan.

20 Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon.

21 At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y sasagot, sabi ng Panginoon, ako'y sasagot sa langit, at sila'y magsisisagot sa lupa;

22 At ang lupa'y sasagot sa trigo, at sa alak, at sa langis; at sila'y magsisisagot sa Jezreel.

23 At aking itatatag siya para sa akin sa lupa; at ako'y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan; at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, Ikaw ay aking bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Dios.

Say ye unto your brethren, Ammi; and to your sisters, Ruhamah.

Plead with your mother, plead: for she is not my wife, neither am I her husband: let her therefore put away her whoredoms out of her sight, and her adulteries from between her breasts;

Lest I strip her naked, and set her as in the day that she was born, and make her as a wilderness, and set her like a dry land, and slay her with thirst.

And I will not have mercy upon her children; for they be the children of whoredoms.

For their mother hath played the harlot: she that conceived them hath done shamefully: for she said, I will go after my lovers, that give me my bread and my water, my wool and my flax, mine oil and my drink.

Therefore, behold, I will hedge up thy way with thorns, and make a wall, that she shall not find her paths.

And she shall follow after her lovers, but she shall not overtake them; and she shall seek them, but shall not find them: then shall she say, I will go and return to my first husband; for then was it better with me than now.

For she did not know that I gave her corn, and wine, and oil, and multiplied her silver and gold, which they prepared for Baal.

Therefore will I return, and take away my corn in the time thereof, and my wine in the season thereof, and will recover my wool and my flax given to cover her nakedness.

10 And now will I discover her lewdness in the sight of her lovers, and none shall deliver her out of mine hand.

11 I will also cause all her mirth to cease, her feast days, her new moons, and her sabbaths, and all her solemn feasts.

12 And I will destroy her vines and her fig trees, whereof she hath said, These are my rewards that my lovers have given me: and I will make them a forest, and the beasts of the field shall eat them.

13 And I will visit upon her the days of Baalim, wherein she burned incense to them, and she decked herself with her earrings and her jewels, and she went after her lovers, and forgat me, saith the Lord.

14 Therefore, behold, I will allure her, and bring her into the wilderness, and speak comfortably unto her.

15 And I will give her her vineyards from thence, and the valley of Achor for a door of hope: and she shall sing there, as in the days of her youth, and as in the day when she came up out of the land of Egypt.

16 And it shall be at that day, saith the Lord, that thou shalt call me Ishi; and shalt call me no more Baali.

17 For I will take away the names of Baalim out of her mouth, and they shall no more be remembered by their name.

18 And in that day will I make a covenant for them with the beasts of the field and with the fowls of heaven, and with the creeping things of the ground: and I will break the bow and the sword and the battle out of the earth, and will make them to lie down safely.

19 And I will betroth thee unto me for ever; yea, I will betroth thee unto me in righteousness, and in judgment, and in lovingkindness, and in mercies.

20 I will even betroth thee unto me in faithfulness: and thou shalt know the Lord.

21 And it shall come to pass in that day, I will hear, saith the Lord, I will hear the heavens, and they shall hear the earth;

22 And the earth shall hear the corn, and the wine, and the oil; and they shall hear Jezreel.

23 And I will sow her unto me in the earth; and I will have mercy upon her that had not obtained mercy; and I will say to them which were not my people, Thou art my people; and they shall say, Thou art my God.

[a]“Say of your brothers, ‘My people,’ and of your sisters, ‘My loved one.’(A)

Israel Punished and Restored

“Rebuke your mother,(B) rebuke her,
    for she is not my wife,
    and I am not her husband.
Let her remove the adulterous(C) look from her face
    and the unfaithfulness from between her breasts.
Otherwise I will strip(D) her naked
    and make her as bare as on the day she was born;(E)
I will make her like a desert,(F)
    turn her into a parched land,
    and slay her with thirst.
I will not show my love to her children,(G)
    because they are the children of adultery.(H)
Their mother has been unfaithful
    and has conceived them in disgrace.
She said, ‘I will go after my lovers,(I)
    who give me my food and my water,
    my wool and my linen, my olive oil and my drink.’(J)
Therefore I will block her path with thornbushes;
    I will wall her in so that she cannot find her way.(K)
She will chase after her lovers but not catch them;
    she will look for them but not find them.(L)
Then she will say,
    ‘I will go back to my husband(M) as at first,(N)
    for then I was better off(O) than now.’
She has not acknowledged(P) that I was the one
    who gave her the grain, the new wine and oil,(Q)
who lavished on her the silver and gold(R)
    which they used for Baal.(S)

“Therefore I will take away my grain(T) when it ripens,
    and my new wine(U) when it is ready.
I will take back my wool and my linen,
    intended to cover her naked body.
10 So now I will expose(V) her lewdness
    before the eyes of her lovers;(W)
    no one will take her out of my hands.(X)
11 I will stop(Y) all her celebrations:(Z)
    her yearly festivals, her New Moons,
    her Sabbath days—all her appointed festivals.(AA)
12 I will ruin her vines(AB) and her fig trees,(AC)
    which she said were her pay from her lovers;(AD)
I will make them a thicket,(AE)
    and wild animals will devour them.(AF)
13 I will punish her for the days
    she burned incense(AG) to the Baals;(AH)
she decked herself with rings and jewelry,(AI)
    and went after her lovers,(AJ)
    but me she forgot,(AK)
declares the Lord.(AL)

14 “Therefore I am now going to allure her;
    I will lead her into the wilderness(AM)
    and speak tenderly to her.
15 There I will give her back her vineyards,
    and will make the Valley of Achor[b](AN) a door of hope.
There she will respond[c](AO) as in the days of her youth,(AP)
    as in the day she came up out of Egypt.(AQ)

16 “In that day,” declares the Lord,
    “you will call me ‘my husband’;(AR)
    you will no longer call me ‘my master.[d]
17 I will remove the names of the Baals from her lips;(AS)
    no longer will their names be invoked.(AT)
18 In that day I will make a covenant for them
    with the beasts of the field, the birds in the sky
    and the creatures that move along the ground.(AU)
Bow and sword and battle
    I will abolish(AV) from the land,
    so that all may lie down in safety.(AW)
19 I will betroth(AX) you to me forever;
    I will betroth you in[e] righteousness and justice,(AY)
    in[f] love and compassion.(AZ)
20 I will betroth you in[g] faithfulness,
    and you will acknowledge(BA) the Lord.(BB)

21 “In that day I will respond,”
    declares the Lord
“I will respond(BC) to the skies,
    and they will respond to the earth;
22 and the earth will respond to the grain,
    the new wine and the olive oil,(BD)
    and they will respond to Jezreel.[h](BE)
23 I will plant(BF) her for myself in the land;
    I will show my love to the one I called ‘Not my loved one.[i](BG)
I will say to those called ‘Not my people,[j]’ ‘You are my people’;(BH)
    and they will say, ‘You are my God.(BI)’”

Footnotes

  1. Hosea 2:1 In Hebrew texts 2:1-23 is numbered 2:3-25.
  2. Hosea 2:15 Achor means trouble.
  3. Hosea 2:15 Or sing
  4. Hosea 2:16 Hebrew baal
  5. Hosea 2:19 Or with
  6. Hosea 2:19 Or with
  7. Hosea 2:20 Or with
  8. Hosea 2:22 Jezreel means God plants.
  9. Hosea 2:23 Hebrew Lo-Ruhamah (see 1:6)
  10. Hosea 2:23 Hebrew Lo-Ammi (see 1:9)