Add parallel Print Page Options

12 “Inilista ko ang ginagawang kalikuan ni Efraim,
    tinatandaan kong mabuti para sa araw ng paniningil.
13 Ang Israel ay binigyan ko ng pagkakataong magbagong-buhay,
    ngunit ito'y kanyang tinanggihan.
Para siyang sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan.
    Siya'y anak na suwail at mangmang!
14 Hindi(A) ko sila paliligtasin sa daigdig ng mga patay.
    Hindi ko sila paliligtasin sa kamatayan.
Kamatayan, pahirapan mo sila.
    Libingan, parusahan mo sila.
    Wala na akong nalalabing awa sa kanila.

Read full chapter