Add parallel Print Page Options

12 Hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan ninyo.[a] Para itong kasulatang binalot at itinago.

13 “Binigyan ko kayo ng pagkakataong magbagong-buhay pero tinanggihan ninyo ito dahil mga mangmang kayo. Para kayong sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahon na dapat na siyang lumabas. 14 Hindi ko kayo ililigtas sa kamatayan. Sa halip sasabihin ko sa kamatayan, ‘O kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Nasaan ang iyong kapahamakan na papatay sa kanila?’

“Hinding-hindi ko kayo kaaawaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:12 ninyo: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.