Add parallel Print Page Options

Nakipagbuno(A) siya sa anghel at nagwagi,
    umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain.
Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel,
    at ito'y nakipag-usap sa kanya.
Si Yahweh ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
    Yahweh ang kanyang pangalan.
Kaya't manumbalik kayo sa Diyos,
    at mamuhay kayong may pag-ibig at katarungan,
    patuloy kayong umasa sa kanya.

Read full chapter