Hosea 1
Amplified Bible, Classic Edition
1 The word of the Lord that came to Hosea son of Beeri in the days of Uzziah, Jotham, Ahaz, and Hezekiah, kings of Judah, and in the days of Jeroboam son of Joash king of Israel.
2 When the Lord first spoke with and through Hosea, the Lord said to him, Go, take to yourself a wife of harlotry and have children of [her] harlotry, for the land commits great whoredom by departing from the Lord.
3 So he went and took Gomer the daughter of Diblaim, and she became pregnant and bore him a son.
4 And the Lord said to him, Call his name Jezreel or God-sows, for yet a little while and I will avenge the blood of Jezreel and visit the punishment for it upon the house of Jehu, and I will put an end to the kingdom of the house of Israel.(A)
5 And on that day I will break the bow of Israel in the Valley of Jezreel.
6 And [Gomer] conceived again and bore a daughter. And the Lord said to Hosea, Call her name Lo-Ruhamah or Not-pitied, for I will no more have love, pity, and mercy on the house of Israel, that I should in any way pardon them.
7 But I will have love, pity, and mercy on the house of Judah and will deliver them by the Lord their God and will [a]not save them by bow, nor by sword, nor by equipment of war, nor by horses, nor by horsemen.(B)
8 Now when [Gomer] had weaned Lo-Ruhamah [Not-pitied], she became pregnant [again] and bore a son.
9 And the Lord said, Call his name Lo-Ammi [Not-my-people], for you are not My people and I am not your God.
10 Yet the number of the children of Israel shall be as the sand of the sea, which cannot be measured or numbered; and instead of it being said to them, You are not My people, it shall be said to them, Sons of the Living God!(C)
11 Then shall the children of Judah and the children of Israel be gathered together and appoint themselves one head, and they shall go up out of the land, for great shall be the day of Jezreel [for the spiritually reborn Israel, a divine offspring, the people whom the Lord has blessed.](D)
Footnotes
- Hosea 1:7 Isaiah also made this prophecy (Isa. 31:8-9) and both he and Hosea lived to see its remarkable, literal fulfillment (Isa. 37:36). See also II Kings 19:35-37.
Hosea 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Ito ang ipinahayag ng Panginoon kay Hoseas na anak ni Beeri noong magkakasunod na naging hari sa Juda sina Uzia, Jotam, Ahaz at Hezekia, habang naghahari naman sa Israel si Jeroboam na anak ni Joash.
Ang Asawa at mga Anak ni Hoseas
2 Ito ang unang sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Mag-asawa ka ng babaeng nangangalunya,[a] at ang inyong mga anak ay ituturing na mga anak ng babaeng nangangalunya. Ito ang magiging larawan ng kataksilan ng aking mga mamamayan sa akin na kanilang Panginoon, dahil sa pagsamba nila sa mga dios-diosan.”
3 Kaya nagpakasal si Hoseas kay Gomer na anak ni Diblaim. Hindi nagtagal, nabuntis si Gomer at nanganak ng isang lalaki. 4 Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Jezreel[b] ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi na magtatagal at parurusahan ko ang hari ng Israel dahil sa ginawang pagpatay ng ninuno niyang si Jehu sa lungsod ng Jezreel. Wawakasan ko na ang kaharian ng Israel. 5 Sa araw na iyon, ipapalupig ko ang mga sundalo ng Israel doon sa Lambak ng Jezreel.”
6 Muling nabuntis si Gomer at nanganak ng isang babae. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ruhama[c] ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi ko kaaawaan ni patatawarin ang mga mamamayan ng Israel. 7 Pero kaaawaan ko ang mga mamamayan ng Juda. Ako, ang Panginoon nilang Dios, ang magliligtas sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at hindi sa pamamagitan ng digmaan – ng pana, espada, mga kabayo o mangangabayo.”
8 Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama sa pagsuso, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki. 9 Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami[d] ang ipangalan mo sa bata, dahil ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Dios. 10 Pero darating ang araw na kaaawaan ko sila at pagpapalain; dadami sila tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa ngayon ay tinatawag silang ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’
silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ 11 Magkakasamang muli ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel, at pipili sila ng iisang pinuno. Muli silang uunlad sa kanilang lupain. Napakasaya ng araw na iyon para sa mga taga-Jezreel.
Footnotes
- 1:2 babaeng nangangalunya: o, babaeng bayaran.
- 1:4 Jezreel: Ang ibig sabihin, naghahasik ang Dios, na nangangahulugan ng paglago at pag-unlad (tingnan ang talatang 11). Pero sa talatang ito ang pangalang Jezreel ay nangangahulugan na parurusahan ng Dios ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan.
- 1:6 Lo Ruhama: Ang ibig sabihin, hindi kinaawaan.
- 1:9 Lo Ami: Ang ibig sabihin, hindi ko mga mamamayan.
Copyright © 1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®