Add parallel Print Page Options

Sinabi(A) ni Yahweh kay Hosea, “Jezreel[a] ang ipapangalan mo sa bata sapagkat paparusahan ko ang sambahayan ni Jehu dahil sa maramihang pagpaslang sa Jezreel at wawakasan ko ang kaharian ng Israel. Sa araw na iyon, wawasakin ko sa libis ng Jezreel ang lakas ng hukbong Israel.”

Naglihing muli si Gomer at isang babae naman ang kanyang naging anak. Sabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siyang Lo-ruhama[b] sapagkat hindi ko na kahahabagan ni patatawarin man ang Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. Hosea 1:4 JEZREEL: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “ikinalat ng Diyos (bilang parusa)”.
  2. Hosea 1:6 LO-RUHAMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “hindi kahahabagan”.