Add parallel Print Page Options

Ang Asawa at mga Anak ni Hoseas

Ito ang unang sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Mag-asawa ka ng babaeng nangangalunya,[a] at ang inyong mga anak ay ituturing na mga anak ng babaeng nangangalunya. Ito ang magiging larawan ng kataksilan ng aking mga mamamayan sa akin na kanilang Panginoon, dahil sa pagsamba nila sa mga dios-diosan.”

Kaya nagpakasal si Hoseas kay Gomer na anak ni Diblaim. Hindi nagtagal, nabuntis si Gomer at nanganak ng isang lalaki. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Jezreel[b] ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi na magtatagal at parurusahan ko ang hari ng Israel dahil sa ginawang pagpatay ng ninuno niyang si Jehu sa lungsod ng Jezreel. Wawakasan ko na ang kaharian ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:2 babaeng nangangalunya: o, babaeng bayaran.
  2. 1:4 Jezreel: Ang ibig sabihin, naghahasik ang Dios, na nangangahulugan ng paglago at pag-unlad (tingnan ang talatang 11). Pero sa talatang ito ang pangalang Jezreel ay nangangahulugan na parurusahan ng Dios ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan.