Add parallel Print Page Options

Parurusahan ang mga Bulaang Propeta

13 Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bulaang propeta ng Israel na nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. Sabihin mo na pakinggan nila ang mensahe kong ito: Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing nakakaawa ang mga hangal na propetang nanghuhula mula sa sarili nilang isipan, at wala silang nakikitang mga pangitain. O Israel, ang mga propeta moʼy katulad ng mga asong-gubat na nasa gibang lungsod. Katulad nilaʼy mga walang pakialam sa wasak na mga pader ng Israel na hindi inayos para maging matibay dumating man ang digmaan, sa araw ng pagpaparusa ng Panginoon. Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang mula sa Panginoon ang sinasabi nila pero ang totooʼy hindi ko sila sinugo at hinihintay nilang maganap ito. Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang iyon ang ipinapasabi ko pero hindi iyon nanggaling sa akin.

“Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi na kakalabanin ko sila dahil kasinungalingan ang mga hula nila at hindi totoo ang kanilang mga pangitain. Parurusahan ko ang mga propetang hindi totoo ang pangitain at kasinungalingan ang mga hula. Hindi ko sila ituturing na kabilang ng aking mga mamamayan at ang mga pangalan nilaʼy hindi isusulat sa talaan ng mga mamamayan ng Israel at hindi maaaring pumasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako ang Panginoong Dios.

10 “Inililigaw ng mga propetang ito ang aking mga mamamayan sa pagsasabing maayos ang lahat, pero hindi naman. Parang tinatapalan lang ng apog at putik ang mahinang pader na itinatayo ng mga mamamayan. 11 Sabihin mo sa mga nagtapal na mawawasak ang pader na ito, dahil darating ang malakas na bagyo at uulan ng yelong kasing tigas ng bato na wawasak sa pader na ito. 12 At kapag nawasak na ito, magtatanong ang mga tao sa kanila, ‘Ano ang naitulong ng itinapal ninyo?’

13 “Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Sa tindi ng galit ko, wawasakin ko ang pader sa pamamagitan ng malakas na bagyo, pag-ulan ng yelo na kasing tigas ng bato, at malakas na ulan. 14 Oo, wawasakin ko ang pader na tinapalan ninyo ng apog at putik. Wawasakin ko ito hanggang sa lumabas ang pundasyon nito. At kapag nawasak na ito, babagsakan kayo at mamamatay. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon. 15 Ipadarama ko ang galit ko sa pader at sa mga nagtapal dito. At ipamamalita ko na wala na ang pader at ang mga nagtapal nito, 16 na walang iba kundi ang mga propeta ng Israel na humula na magiging maayos ang kalagayan ng Jerusalem, pero kasinungalingan naman. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.

17 “Ngayon naman, anak ng tao, magsalita ka laban sa mga babaeng nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. 18 Sabihin mo sa kanilang ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi: Nakakaawa kayo, kayong mga babaeng bumibiktima sa mga mamamayan ko, maging mga bata o matatanda sa pamamagitan ng mga anting-anting ninyo. Nilalagyan ninyo sila ng mga anting-anting na pulseras sa kanilang kamay at belo sa mga ulo. Binibiktima ninyo ang mga mamamayan ko para sa pansarili ninyong kapakinabangan. 19 Nilalapastangan ninyo ako sa harap ng mga mamamayan ko para lang sa kaunting sebada at ilang tinapay. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay sinasabi ninyong mamamatay ang hindi dapat mamatay at hindi mamamatay ang dapat mamatay. At naniniwala naman ang mga mamamayan ko sa kasinungalingan ninyo.

20 “Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabing: Labis akong nagagalit sa mga anting-anting na ginagamit ninyo para biktimahin ang mga tao na parang mga ibong nahuli sa bitag. Hahablutin ko ang mga anting-anting ninyo sa kamay[a] at palalayain ko ang mga taong hinuli ninyo na parang ibon. 21 Pupunitin ko rin ang mga belo ninyo at ililigtas ko ang mga mamamayan mula sa mga kamay ninyo, hindi nʼyo na sila mabibiktimang muli. At malalaman ninyong ako ang Panginoon.

22 “Pinalungkot ninyo ang mga matuwid sa pamamagitan ng inyong kasinungalingan, na kahit ako ay hindi sila nabigyan ng kalungkutan. Pinalakas ninyo ang loob ng masasama na ipagpatuloy ang kasamaan nila sa pamamagitan ng mga pangakong maliligtas sila sa kamatayan.[b] 23 Kaya mawawala na ang mga hindi totoong pangitain at panghuhula ninyo. Ililigtas ko ang mga mamamayan ko mula sa inyong mga kamay. At malalaman ninyong ako ang Panginoon.”

Footnotes

  1. 13:20 kamay: sa literal, braso.
  2. 13:22 pangakong maliligtas sila sa kamatayan: o, pangako na iyon ang magliligtas sa kanila sa kamatayan.

False Prophets Condemned

13 The word of the Lord came to me: “Son of man, prophesy against the prophets(A) of Israel who are now prophesying. Say to those who prophesy out of their own imagination:(B) ‘Hear the word of the Lord!(C) This is what the Sovereign Lord says: Woe to the foolish[a] prophets(D) who follow their own spirit and have seen nothing!(E) Your prophets, Israel, are like jackals among ruins. You have not gone up to the breaches in the wall to repair(F) it for the people of Israel so that it will stand firm in the battle on the day of the Lord.(G) Their visions are false(H) and their divinations a lie. Even though the Lord has not sent(I) them, they say, “The Lord declares,” and expect him to fulfill their words.(J) Have you not seen false visions(K) and uttered lying divinations when you say, “The Lord declares,” though I have not spoken?

“‘Therefore this is what the Sovereign Lord says: Because of your false words and lying visions, I am against you,(L) declares the Sovereign Lord. My hand will be against the prophets who see false visions and utter lying(M) divinations. They will not belong to the council of my people or be listed in the records(N) of Israel, nor will they enter the land of Israel. Then you will know that I am the Sovereign Lord.(O)

10 “‘Because they lead my people astray,(P) saying, “Peace,”(Q) when there is no peace, and because, when a flimsy wall is built, they cover it with whitewash,(R) 11 therefore tell those who cover it with whitewash that it is going to fall. Rain will come in torrents, and I will send hailstones(S) hurtling down,(T) and violent winds will burst forth.(U) 12 When the wall collapses, will people not ask you, “Where is the whitewash you covered it with?”

13 “‘Therefore this is what the Sovereign Lord says: In my wrath I will unleash a violent wind, and in my anger hailstones(V) and torrents of rain(W) will fall with destructive fury.(X) 14 I will tear down the wall(Y) you have covered with whitewash and will level it to the ground so that its foundation(Z) will be laid bare. When it[b] falls,(AA) you will be destroyed in it; and you will know that I am the Lord. 15 So I will pour out my wrath against the wall and against those who covered it with whitewash. I will say to you, “The wall is gone and so are those who whitewashed it, 16 those prophets of Israel who prophesied to Jerusalem and saw visions of peace for her when there was no peace, declares the Sovereign Lord.(AB)”’

17 “Now, son of man, set your face(AC) against the daughters(AD) of your people who prophesy out of their own imagination. Prophesy against them(AE) 18 and say, ‘This is what the Sovereign Lord says: Woe to the women who sew magic charms on all their wrists and make veils of various lengths for their heads in order to ensnare people. Will you ensnare the lives of my people but preserve your own? 19 You have profaned(AF) me among my people for a few handfuls of barley and scraps of bread.(AG) By lying to my people, who listen to lies, you have killed those who should not have died and have spared those who should not live.(AH)

20 “‘Therefore this is what the Sovereign Lord says: I am against your magic charms with which you ensnare people like birds and I will tear them from your arms; I will set free the people that you ensnare like birds.(AI) 21 I will tear off your veils and save my people from your hands, and they will no longer fall prey to your power. Then you will know that I am the Lord.(AJ) 22 Because you disheartened the righteous with your lies,(AK) when I had brought them no grief, and because you encouraged the wicked not to turn from their evil ways and so save their lives,(AL) 23 therefore you will no longer see false visions(AM) or practice divination.(AN) I will save(AO) my people from your hands. And then you will know that I am the Lord.(AP)’”

Footnotes

  1. Ezekiel 13:3 Or wicked
  2. Ezekiel 13:14 Or the city