Add parallel Print Page Options

Mas Dakila si Jesus kaysa kay Moises

Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko na tinawag ng Dios na makakasama sa langit, alalahanin nʼyo si Jesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya. Tapat siya sa Dios na nagsugo sa kanya, katulad ni Moises na naging tapat sa pamamahala ng pamilya ng Dios. Ngunit itinuring ng Dios si Jesus na higit kaysa kay Moises, dahil kung ihahalintulad sa bahay, higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo. Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit[a] ang Dios ang gumawa ng lahat ng bagay. Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Dios bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Ngunit si Cristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Dios. At tayo ang pamilya ng Dios, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin. Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu:

    “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios,
huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo,
    tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo.
    Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang.
Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila,
    kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon.
10 Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko,
    “Laging lumalayo ang puso nila sa akin,
    at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.”
11 Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.’ ”[b]

12 Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo at baka maging masama ang puso nʼyo na siyang magpapahina ng pananampalataya nʼyo hanggang sa lumayo kayo sa Dios na buhay. 13 Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo. 14 Sapagkat kasama tayo ni Cristo kung mananatiling matatag ang pananampalataya natin sa kanya hanggang sa wakas. 15 Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo nang naghimagsik sila laban sa Dios.”[c] 16 Sino ba ang mga taong nakarinig sa tinig ng Dios at naghimagsik pa rin sa kabila nito? Hindi baʼt ang mga inilabas ni Moises sa Egipto? 17 At kanino ba nagalit ang Dios sa loob ng 40 taon? Hindi baʼt sa mga nagkasala at namatay sa ilang? 18 At sino ba ang isinumpa ng Dios na hindi makakamtan ang kapahingahan? Hindi baʼt ang mga ayaw sumunod sa kanya? 19 Kaya malinaw na hindi nila nakamtan ang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Dios.

Footnotes

  1. 3:4 Ngunit: o, At.
  2. 3:11 Salmo 95:7-11.
  3. 3:15 Salmo 95:7-8.

Therefore, holy brethren, partakers of the heavenly calling, consider the Apostle and High Priest of our profession, Christ Jesus,

who was faithful to Him that appointed Him, as also Moses was faithful in all His house.

For this Man was counted worthy of more glory than Moses, inasmuch as He who hath built the house hath more honor than the house.

For every house is built by some man, but He that built all things is God.

And Moses verily was faithful in all His house as a servant, as a testimony of those things which were to be spoken thereafter;

but Christ was faithful as a Son over His own house, whose house are we if we hold fast the confidence and rejoicing of the hope, firm unto the end.

Therefore as the Holy Ghost saith: “Today if ye will hear His voice,

harden not your hearts as in the provocation, in the day of temptation in the wilderness,

when your fathers tempted Me, proved Me, and saw My works forty years.

10 Therefore I was grieved with that generation, and said, ‘They do always err in their heart, and they have not known My ways.’

11 So I swore in My wrath, ‘They shall not enter into My rest.’”

12 Take heed, brethren, lest there be in any of you an evil heart of unbelief, in departing from the living God.

13 But exhort one another daily, while it is still called “today,” lest any of you be hardened through the deceitfulness of sin.

14 For we are made partakers of Christ if we hold the confidence we had in the beginning steadfast unto the end,

15 while it is said, “Today if ye will hear His voice, harden not your hearts as in the provocation.”

16 For some, when they had heard, did provoke, however not all that came out of Egypt by Moses.

17 But with whom was He grieved forty years? Was it not with those who had sinned, whose carcasses fell in the wilderness?

18 And to whom did He swear that they should not enter into His rest, but to those who believed not?

19 So we see that they could not enter in because of unbelief.