Add parallel Print Page Options

Sapagkat nakita ng Diyos ang pagkukulang sa kanila, na sinasabi:

Akong Panginoon ang nagsasabi: Narito, duma­rating ang mga araw. Itatatag ko ang isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda.

Ito ay hindi tulad sa lumang tipan na aking ginagawa sa kanilang mga ninuno, sa araw nang akayin ko sila at inilabas sa bayan ng Egipto. Dahil hindi sila naging tapat sa aking tipan, kaya pinabayaan ko sila. 10 At akong Panginoon ang nagsasabi: Ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ni Israel pagkaraan ng mga araw na yaon. Ilalagay ko aking mga ang kautusan sa kanilang mga isip at isusulat ko din ang mga ito sa kanilang mga puso. At ako ay magiging Diyos nila at sila ay magiging mga tao ko.

Read full chapter