Add parallel Print Page Options

Si Jesus ay Higit na Mahalaga Kaysa kay Moises

Kaya nga, mga banal na kapatid, kayong kabahagi sa tawag na makalangit, magtuon kayo ng inyong pag-iisip kay Jesus na siyang apostol at pinakapunong-saserdote na aming ipinahahayag.

Kung paanong si Moises ay matapat sa lahat ng sambahayan ng Diyos ay gayundin naman si Jesus ay tapat sa nagsugo sa kaniya. Sapagkat nasum­pungan siyang higit na karapat-dapat na parangalan kaysa kay Moises. Katulad din naman sa nagtayo ng bahay, ay dapat na higit na parangalan kaysa sa bahay.

Read full chapter