Add parallel Print Page Options

Ngunit nakikita natin si Jesus. Sa maikling panahon ay ginawa siyang mababa kaysa sa mga anghel na dahil sa kahirapan sa kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan. Ito ay upang sa pamamagitan ng biyaya Diyos ay tikman niya ang kamatayan para sa lahat ng tao.

10 Ang lahat ng mga bagay ay para sa Diyos at siya ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Nang siya ay magdala ng maraming anak sa kaluwahatian, nararapat na gawin niyang ganap ang may akda ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng kahirapan. 11 Sapagkat siya na nagpapaging-banal at ang mga pinaging-banal ay kabilang sa iisang sambahayan. Kaya ito ang dahilan na kung tawagin niya silang mga kapatid ay hindi siya nahihiya.

Read full chapter