Add parallel Print Page Options

Pagtatapos na Payo

13 Hayaan ninyong magpatuloy sa inyo ang pagma­mahalan ng magkakapatid.

Huwag ninyong kali­mutan ang maging mapagpatuloy sa mga taga-ibang bayan. Sa pamamagitan nito, ang iba ay tumanggap ng mga anghel bilang mga panauhin na hindi nila ito nalalaman. Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na waring kayo ay nabilanggo na kasama nila. At alalahanin ninyo iyong mga pinagmalupitan na waring kaisang-katawan din kayo.

Ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsa­samahan ng mag-asawa na walang dungis. Ngunit hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos:

Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan.

Kaya nga, masasabi natin na may pagtitiwala:

Ang Panginoon ang aking katulong. Hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?

Alalahanin ninyo ang inyong mga tagapangasiwa na nagpahayag ng salita ng Diyos sa inyo. At tularan ninyo ang kanilang pananampalataya habang minamasdan ninyo ang hangarin ng kanilang buhay. Si Jesus ay siya pa rin kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman.

Huwag ninyong hayaan na madala kayo ng lahat ng uri at kakaibang mga katuruan. Sapagkat mabuting pagtibayin natin ang ating mga puso sa pamamagitan ng biyaya at hindi sa pamamagitan ng pagkain. Ang pagkain ay hindi makaka­pagbigay ng kapakinabangan sa mga nabubuhay sa pamama­gitan nito. 10 Tayo ay may isang dambana. Ang mga saserdote na naglilingkod sa makalupang tabernakulo ay walang kara­patang kumain dito.

11 Sapagkat ang pinakapunong-saserdote ay nagdala ng dugo ng hayop sa kabanal-banalang dako bilang isang hain para sa kasalanan. Kapag ginagawa nila ito, sinusunog nila ang katawan ng mga hayop sa labas ng kampamento. 12 Kaya nga, gayundin naman kay Jesus, ng mapaging-banal niya ang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang dugo, naghirap siya sa labas ng tarangkahan ng lungsod. 13 Kaya nga, tayo ay lumapit sa kaniya sa labas ng kampamento na binabata ang kaniyang kahihiyan. 14 Sapagkat wala tayong nananatiling lungsod dito. Subalit hinahangad natin ang lungsod na darating.

15 Kaya sa pamamagitan niya, patuloy tayong magdala ng handog ng papuri sa Diyos. Ang ating hain ay ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. 16 Ang paggawa ng mabuti at pakikibahagi sa paglilingkod ay huwag ninyo itong kaliligtaan sapagkat kalugud-lugod sa Diyos ang mga handog na tulad nito.

17 Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo at magpa­sakop kayo sa kanilang pamamahala sapagkat iniingatan nilang patuloy ang inyong mga kaluluwa bilang mga magbibigay sulit para sa inyo. Sundin ninyo sila upang magawa nila itong may kagalakan at hindi nang may kahapisan, sapagkat ito ay hindi magiging kapakipakinabang sa inyo.

18 Ipanalangin ninyo kami. Natitiyak naming malinis ang aming budhi. At ibig naming mamuhay nang maayos sa lahat ng bagay. 19 Masikap kong ipinamamanhik sa inyo na ipana­langin ninyo ako upang makasama ko kayo sa lalong madaling panahon.

20 Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan ang magpapatibay sa inyong bawat gawang mabuti. Siya yaong sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan ang nagbangon muli sa ating Panginoong Jesus mula sa mga patay na siyang Dakilang Pastol ng mga tupa. 21 Gawin nawa niya kayong ganap sa bawat mabubuting gawa upang gawin ang kaniyang kalooban. Sa pamamagitan ni Jesucristo, maisasagawa niya sa inyo ang anumang makakalugod sa kaniya. Sumakaniya ang kaluwal­hatian magpakailanman. Siya nawa.

22 Mga kapatid ko, ipinamamanhik ko sa inyo, na inyong tiisin ang salita ng matapat na panghihikayat, bagaman sinu­latan ko na kayo ng maiksing sulat.

23 Alamin ninyo na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinalaya na nila. Kapag siya ay dumating agad, sasama ako sa kaniya at magkikita tayo.

24 Batiin ninyo ang lahat ninyong tagapangasiwa at ang lahat ng mga banal. Binabati kayo ng mga nasa Italia.

25 Ang biyaya ang sumainyong lahat. Siya nawa!

Akong si Santiago ay isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo. Binabati ko ang labindalawang lipi ni Israel na nakakalat sa iba’t ibang bansa.

Mga Pagsubok at mga Tukso

Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok.

Nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis. Ngunit hayaan ninyong ang pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo. Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan. Kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at iyon ay ibibigay sa kaniya. Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat at hindi nagagalit. Ngunit kapag siya ay humingi, humingi siyang may pananampalataya at walang pag-aalin­langan sapagkat ang taong nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na tinatangay at ipinapadpad ng hangin. Ang taong nag-aalinlangan ay hindi dapat mag-isip na siyaay tatanggap ng anuman mula sa Panginoon. Ang taong nagdadalawang-isip ay hindi matatag sa lahat ng kaniyang mga lakad.

Magmapuri ang kapatid na may mababang kalagayan dahil sa kaniyang pagkakataas. 10 Magmapuri din naman ang mayaman dahil sa kaniyang pagkakababa sapagkat tulad ng bulaklak ng damo, siya ay lilipas. 11 Ito ay sapagkat ang araw ay sumisikat na may matinding init at tinutuyo ang damo. Ang bulaklak ng damo ay nalalagas at sinisira ng araw ang kaakit-akit na anyo nito. Gayundin naman ang mayaman, siya ay lumilipas sa kaniyang mga lakad.

12 Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya.

13 Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaringmatukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. 14 Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. 15 Kapag ang masidhing pita ay naglihi, ito ay nanganganak ng kasa­lanan. Kung ang kasalanan ay naganap, ito ay nagbubunga ng kamatayan.

16 Minamahal kong mga kapatid, huwag kayong padaya kaninuman. 17 Ang bawat mabuting pagbibigay at bawat ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag na walang pagbabago, ni anino man ng pagtalikod. 18 Sa kaniyang sariling kalooban ay ipinanganak niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan upang maging isang uri tayo ng mga unang-bunga ng kaniyang mga nilikha.

Pakikinig at Pagsasagawa

19 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, ang bawat tao ay dapat maging maagap sa pakikinig at maging mahinahon sa pagsasalita at hindi madaling mapoot.

20 Ito ay sapagkat ang poot ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. 21 Kaya nga, hubarin ninyo ang lahat ng karumihan at ang pag-uumapaw ng kasamaan. Tanggapin ninyo nang may kababaan ng loob ang salitang ihinugpong sa inyo na makakapagligtas sa inyong mga kaluluwa.

22 Maging tagatupad kayo ng salita at huwag maging taga­pakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili. 23 Ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi tagatupad nito ay natutulad sa isang taong minamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin. 24 Pagkatapos niyang masdan ang kaniyang sarili, siya ay lumisan at kinalimutan niya kaagad kung ano ang uri ng kaniyang pagkatao. 25 Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito ay tagapakinig na hindi nakakalimot sa halip siya ay tagatupad ng salita. Ang taong ito ay pagpapalain sa kaniyang ginagawa.

26 Kung ang sinuman sa inyo ay waring relihiyoso at hindi niya pinipigil ang kaniyang dila, subalit dinadaya niya ang kaniyang puso, ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan. 27 Ang dalisay at walang dungis na relihiyon sa harapan ng Diyos Ama ay ang pagdalaw sa mga ulila at sa mga babaeng balo sa kanilang paghihirap. Ito ay upang maingatan ang kaniyang sarili na hindi mabahiran ng sanlibutan.

Huwag Magtatangi ng Isang Tao nang Higit sa Iba

Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao.

Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?

Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito na maya­yaman sa pananampalataya? Hindi ba pinili silang taga­pagmana ng paghaharing ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya? Hinamak ninyo ang taong dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa harap ng mga hukuman? Hindi ba sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo?

Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong ginagawa. Ito ay nagsasabi: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala at sinusuway ang kautusan bilang mga lumalabag. 10 Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong kautusan. 11 Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa kautusan.

12 Kaya magsalita ka at gumawa tulad ng mga hahatulan na ng kautusan ng kalayaan. 13 Ito ay sapagkat walang kaha­bagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng habag. Ang kahabagan ay nananaig sa kahatulan.

Pananampalataya at mga Gawa

14 Mga kapatid ko, kung sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya subalit wala siyang mga gawa, ano ang pakinabang noon? Maililigtas ba siya ng pananampalataya?

15 Maaaring ang isang kapatid na lalaki o babae ay walang damit o kinukulang sa pang-araw-araw na pagkain. 16 At ang isa sa inyo ay nagsabi sa kanila: Humayo kayo nang mapayapa. Magpainit kayo at magpakabusog. Ngunit hindi mo naman ibinigay sa kanila ang mga kailangan ng katawan, ano ang kapakinabangan noon? 17 Ganiyan din ang pananampalataya, kung wala itong mga gawa, ito ay patay sa kaniyang sarili.

18 Maaaring may magsabi: Ikaw ay may pananampalataya, ako ay may mga gawa. Ipakita mo ang iyong pananampalataya na wala ang iyong mga gawa at ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Nana­nampalataya kang iisa ang Diyos. Mabuti ang iyong ginagawa. Maging ang mga demonyo ay nananampalataya at nanginginig.

20 Ikaw na taong walang kabuluhan, ibig mo bang malaman na ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay? 21 Hindi ba ang ating amang si Abraham ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa? Ito ay nang ihandog niya sa dambana ang kaniyang anak na si Isaac. 22 Iyong nakita na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa at ang pananampalataya ay naging ganap sa pamamagitan ng mga gawa. 23 At naganap ang kautusan na sinabi: Sinam­palatayanan ni Abraham ang Diyos at ito ay ibinilang sa kaniya na katuwiran at tinawag siyang kaibigan ng Diyos. 24 Naki­kita ninyong ang tao ay pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

25 Hindi ba sa gayunding paraan si Rahab na isang patutot ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa? Matapos niyang tanggapin ang mga sugo, sila ay pinaalis niya at pinadaan sa ibang landas. 26 Kung paanong ang katawang walang espiritu ay patay, gayundin ang pananampalataya na walang mga gawa.

Pagpapaamo ng Dila

Mga kapatid ko, nalalaman ninyo na tayong mga guro ay tatanggap ng lalong higit na kahatulan. Kaya nga, huwag maging guro ang marami sa inyo.

Ito ay sapagkat tayong lahat sa maraming paraan ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap at napipigil niya ang kaniyang buong katawan.

Narito, nilalagyan natin ng bokado ang bibig ng mga kabayo upang tayo ay sundin nila. Sa pamamagitan ng bokado ay naililiko natin ang buong katawan nila. Tingnan din ninyo ang mga barko. Ang mga ito ay malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin. Gayunman, bagamat malalaki, ang mga ito ay inililiko ng napakaliit na timon saan man naisin ng taga-timon. Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. Narito, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malalaking kahoy. Ang dila ay tulad ng apoy, sanlibutan ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na dumudungis sa kabuuan nito. Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung paano tayo nabubuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.

Ito ay sapagkat napaamo na ang lahat ng uri ng mga hayop at mga ibon at mga gumagapang na hayop at mga bagay sa dagat. At ito ay paaamuin ng tao. Ngunit walang nakapag­paamo sa dila. Ito ay masamang bagay na hindi mapipigil at puno ng kamandag na nakakamatay.

Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos ayon sa kaniyang wangis. 10 Sa pamamagitan ng gayunding bibig ay lumalabas ang pagpuri at pagsumpa. Mga kapatid ko, hindi dapat maging ganito ang mga bagay na ito. 11 Ang bukal ba ay naglalabas ng matamis at ng mapait na tubig sa iisang butas? 12 Mga kapatid ko, makakapagbunga ba ng olivo ang puno ng igos? O ang puno ba ng ubas ay makakapagbunga ng igos? Gayundin, ang bukal ay hindi makakapaglabas ng maalat at matamis na tubig.

Dalawang Uri ng Karunungan

13 Sino sa inyo ang matalino at nakakaunawa? Hayaang ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kaniyang mga gawa na may mapagpakumbabang karunungan.

14 Maaaring magkaroon ng mapait na pag-iinggitan at makasariling pagnanasa sa inyong mga puso. Kung mayroon man, huwag kayong magmapuri at magsinungaling laban sa katotohanan. 15 Ang karunungang ito ay hindi nagmumula sa itaas, subalit ito ay mula sa lupa, makalaman at mula sa mga demonyo. 16 Kung saan may pag-iinggitan at makasariling pagnanasa, naroroon ang kaguluhan at lahat ng masamang bagay.

17 Ang karunungang nagmumula sa itaas una, sa lahat, ay dalisay, pagkatapos ay mapayapa, maamo, nagpapasakop, puno ng kahabagan at may mabubuting bunga. Ito ay hindi nagta­tangi at walang pagpapakunwari. 18 Ngunit ang bunga ng katuwiran ay itinatanim sa kapayapaan para doon sa mga gumagawa ng kapayapaan.

Ipasakop Ninyo sa Diyos ang Inyong mga Sarili

Saan nagmula ang mga pag-aaway at mga paglalaban-laban sa inyo? Hindi ba ito ay nagmula sa inyong mga pagnanasa sa kalayawan na nag-aaway sa inyong katawan?

May masidhi kayong paghahangad ngunit hindi kayo nagkaka­roon. Kayo ay pumapatay at nag-iimbot ngunit hindi kayo nag­kakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalaban-laban. Hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihingi. Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan. Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Sinasabi ng kasulatan:

Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho.

Sa palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan?

Ngunit tayo ay binigyan niya ng higit pang biyaya. Dahil dito sinabi niya:

Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.

Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at siya ay lalayo sa inyo. Magsilapit kayo sa Diyos at siya ay lalapit sa inyo. Kayong mga makasalanan, linisin ninyo ang inyong mga kamay. Kayong mga taong nagdadalawang-isip, dalisayin ninyo ang inyong mga puso. Magdalamhati kayo, maghinagpis kayo at tumangis kayo. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagdada­lamhati. Palitan ninyo ang inyong katuwaan ng kalungkutan. 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at kayo ay itataas niya.

11 Mga kapatid, huwag kayong magsalita ng masama laban sa isa’t isa. Ang gumagawa nito at humahatol sa kaniyang kapatid ay nagsasalita ng masama laban sa kautusan at humahatol sa kautusan. Kung hinahatulan mo ang kautusan, hindi ka tagatupad ng kautusan. Ikaw ay tagahatol. 12 Iisa lamang ang nagbigay ng kautusan. Siya ang makakapagligtas at makakapuksa. Sino ka upang humatol sa iba?

Pagyayabang Patungkol sa Kinabukasan

13 Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo.

14 Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. 15 Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay. 16 Datapuwa’t ngayon ay nagmama­puri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay napakasama. 17 Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.

Babala sa mga Mayayaman na Nang-aapi sa Ibang Tao

Makinig kayo, kayong mayayaman. Kayo ay tumangis at humagulgol dahil sa darating na mga paghihirap ninyo.

Ang mga kayamanan ninyo ay nangabulok. Ang mga damit ninyo ay kinain ng tanga. Ang inyong mga ginto at pilak ay kinalawang. Ang mga kalawang na ito ang magiging patotoo laban sa inyo at siyang kakain sa inyong mga laman tulad ng apoy. Kayo ay nag-imbak ng kayamanan para sa mga huling araw. Narito, ipinagkait ninyong may pandaraya ang mga upa ng mga manggagawang gumapas sa inyong mga bukirin. Ang kanilang mga upa ay umiiyak. Ang iyak ng mga mangga­gawang gumapas ay narinig ng Panginoon ng mga hukbo. Kayo ay namuhay sa lupang ito, sa karangyaan at pagpapa­sasa. Binusog ninyo ang inyong mga puso tulad sa araw ng katayan. Inyong hinatulan at pinatay ang taong matuwid. Hindi niya kayo tinutulan.

Pagtitiis sa Paghihirap

Mga kapatid ko, magtiis kayo hanggang sa pagbabalik ng Panginoon. Narito, ang magsasaka ay naghihintay sa maha­lagang bunga ng lupa. Hinihintay niya ito ng may pagtitiyaga hanggang sa matanggap nito ang una at huling ulan.

Magtiis din nga kayo at patatagin ninyo ang inyong kalooban sapagkat malapit na ang pagbabalik ng Panginoon. Mga kapatid, huwag kayong magsumbatan sa isa’t isa upang hindi kayo mahatulan. Narito, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.

10 Mga kapatid, gawin ninyong halimbawa ang mga propeta na nangaral sa pangalan ng Panginoon. Sila ang mga halimbawa na dumanas ng paghihirap at ng pagtitiis. 11 Narito, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Panginoon sa katapusan na lubhang mapagmalasakit at maawain.

12 Ngunit higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag kayong susumpa sa pamamagitan ng langit, o lupa, o ng ano pa mang panunumpa. Ang inyong oo ay dapat maging oo, ang inyong hindi ay dapat maging hindi upang hindi kayo mahulog sa kahatulan.

Ang Panalanging may Pananampalataya

13 Mayroon bang nahihirapan sa inyo? Manalangin siya. Mayroon bang masaya sa inyo? Magpuri siya.

14 Mayroon bang may sakit sa inyo? Tawagin niya ang mga matanda sa iglesiya upang siya ay kanilang ipanalangin at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Ang panalanging may pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang naga­wang mga pagkakasala, siya ay patatawarin. 16 Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang sa isa’t isa. Manalangin kayo para sa isa’t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.

17 Si Elias ay taong may damdamin ding tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa sa loob ng tatlo at kalahating taon. 18 Muli siyang nanalangin at ang langit ay nagbuhos ng ulan, at ang lupa ay nagbigay ng ani.

19 Mga kapatid, kung ang isa sa inyo ay lumihis sa katotohanan, maaring siya ay mapanumbalik ng isa sa inyo. 20 Dapat malaman ng nagpanumbalik sa makasalanan mula sa pagkakaligaw na maililigtas niya ang isang kaluluwa mula sa kamatayan. Siya ay magtatakip ng maraming kasalanan.

Akong si Pedro ay apostol ni Jesucristo. Sa mga hinirang ng Diyos na pansamantalang nakikipamayan at nakakalat sa Ponto, Galacia, Cappadocia, Asya at Bitinia. Hinirang sila ayon sa paunang kaalaman ng Diyos Ama sa pamamagitanng pagpapaging-banal ng Espiritu, patungo sa pagsunod at pagwiwisik ng dugo ni Jesucristo.

Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan.

Papuri sa Diyos para sa Isang Buhay na Pag-asa

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo sapagkat sa kaniyang dakilang kahabagan ay ipinanganak niya tayong muli patungo sa isang buhay na pag-asa sa pamama­gitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo mula sa mga patay.

Ginawa niya ito para sa isang manang hindi nabubulok, hindi narurumihan at hindi kumukupas na inilaan sa langit para sa atin. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atinsa pamamagitan ng pananampalataya, para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa huling panahon. Ito ang inyong ikinagagalak bagamat, ngayon sa sandaling panahon kung kinakailangan, ay pinalulumbay kayo sa iba’t ibang pagsubok. Ito ay upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, na lalong higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, bagaman sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ika­pupuri, ikararangal at ikaluluwalhati ni Jesucristo sa kaniyang kapahayagan. Kahit na hindi ninyo siya nakita, inibig ninyo siya. Kahit hindi ninyo siya nakikita ngayon ay nananam­palataya kayo sa kaniya. Dahil dito, nagagalak kayo ng kagalakang hindi kayang ipaliwanag sa salita at puspos ng kaluwalhatian. Nagagalak kayo sapagkat tinatanggap ninyo ang layunin ng inyong pananampalataya na walang iba kundi ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.

10 Ang kaligtasang ito ay masusing sinisiyasat at sinusuring mga propetang naghayag sa biyayang darating sa inyo. 11 Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito. 12 Ipinahayag ito sa kanila subalit hindi para sa kanilang sarili kundi ipinag­lingkod nila ito para sa atin. Ang bagay na ito ay ibinalita ngayon sa inyo sa pamamagitan ng mga tagapangaral ng ebanghelyo. Nangaral sila sa pamamagitan ng Espiritu na isinugo mula sa langit. Mahigpit na hinahangad ng mga anghel na malaman ang mga bagay na ito.

Magpakabanal Kayo

13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong isipan gaya ng pagkabigkis ng baywang. Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip. Lubos kayong umasa sa biyayang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesucristo.

14 Tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong makiayon pa sa dating masidhing pita noong kayo ay wala pang pang-unawa. 15 At sapagkat ang tumawag sa inyo ay banal, magpakabanal din kayong tulad niya sa lahat ng inyong pag-uugali. 16 Ito ay sapagkat nasusulat: Magpaka­banal kayo sapagkat ako ay banal.

17 Ang Ama ay humahatol nang walang pagtatangi ayon sa gawa ng bawat isa. Yamang tinatawag ninyo siyang Ama, ang inyong pag-uugali ay dapat may pagkatakot sa panahon nakayo ay namumuhay bilang mga dayuhan. 18 Nalalaman ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. Ang ipinangtubos sa inyo ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto. 19 Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang dugo ni Cristo. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis. 20 Alam na ng Diyos ang patungkol sa kaniya noong una pa man, bago pa itinatag ang sanlibutan. Ngunit alang-alang sa inyo, nahayag siya sa mga huling araw na ito. 21 Sa pamamagitan niya, nanampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay sa kaniya mula sa mga patay at nagbigay kaluwalhatian sa kaniya. Kaya nga, ang inyong pananampalataya at pag-asa ay mapasa-Diyos.

22 Ngayon ay dinalisay na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu upang kayo ay magkaroon ng pag-ibig na walang pagkukunwari sa mga kapatid. Kaya nga, mag-ibigan kayo sa isa’t isa nang buong ningas ng may malinis na puso. 23 Ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi magpakailanman. 24 Ito ay sapagkat sinasabi:

Ang lahat ng tao ay gaya ng damo. Ang lahat ng kaluwalhatian ng tao ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo ay natutuyo at ang bulaklak ay nalalagas.

25 Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi magpakailanman.

Ito ang ebanghelyo na ipinangaral sa inyo.

Kaya nga, alisin na ninyo ang lahat ng masamanghangarin at lahat ng pandaraya. Talikdan na ninyo ang pagkukunwari, pagkainggit at lahat ng uri ng paninirang puri. Kung magkagayon, gaya ng sanggol na bagong silang, nasain ninyo ang dalisay na gatas na ukol sa espiritu upang lumago kayo. Nasain ninyo ito, yamang nalasap ninyo na ang Pangi­noon ay mabuti.

Ang Batong Buhay at ang Mga Batong Buhay

Lumapit kayo sa kaniya na siyang batong buhay na itinakwil ng mga tao. Ngunit sa Diyos siya ay hirang at mahalaga.

Kayo rin ay katulad ng mga batong buhay. Itina­tatag kayo ng Diyos na isang bahay na espirituwal. Kayo ay mga saserdoteng banal, kaya maghandog kayo ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. Ganito ang sinasabi ng kasulatan:

Narito, itinatayo ko sa Zion ang isang pangu­nahing batong panulok, hinirang at mahalaga. Ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

Kaya nga, sa inyo na sumasampalataya, siya ay mahalaga. Ngunit sa mga hindi sumusunod:

Ang batong tinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong panulok.

At naging batong ikabubuwal at katitisuran.

Natitisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita yamang dito rin naman sila itinalaga.

Ngunit kayo ay isang lahing hinirang, makaharing pagka­saserdote, isang bansang banal at taong pag-aari ng Diyos. Ito ay upang ipahayag ninyo ang kaniyang kadakilaan na siya rin naman ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan. 10 Noong naka­raan, kayo ay hindi niya tao ngunit ngayon ay tao na ng Diyos. Noon ay hindi kayo nagkamit ng kahabagan ngunit ngayon ay nagkamit na ng kahabagan.

11 Mga minamahal, bilang mga dayuhan at mga pansa­mantalang naninirahan, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo ay lumayo sa masamang pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa. 12 Mamuhay kayong maayos sa gitna ng mga Gentil. Nagsa­salita sila laban sa inyo na tulad sa gumagawa ng masama. Subalit sa pagkakita nila ng inyong mabubuting gawa ay pupurihin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagdalaw.

Pagpapasakop sa mga Namumuno at mga Panginoon

13 Magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon. Magpasakop kayo maging sa hari na siyang pinakamataas na pinuno.

14 Magpasakop kayo maging sa mga gobernador na waring mga sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid. 15 Ito ay sapagkat ang kalooban ng Diyos na sa paggawa ninyo ng mabuti ay mapatahimik ninyo ang walang kabuluhang salita ng mga taong mangmang. 16 Magpasakop kayo bilang mga malaya ngunit huwag ninyong gamitin ang inyong kalayaan bilang panakip sa masamang hangarin. Subalit magpasakop kayo sa Diyos bilang mga alipin. 17 Igalang ninyo ang lahat ng tao. Ibigin ninyo ang mga kapatid. Matakot kayo sa Diyos at igalang ninyo ang hari.

18 Mga katulong, magpasakop kayo na may buong pagka­takot sa inyong mga amo. Gawin ninyo ito hindi lamang sa mababait at mahinahon kundi sa mga liko rin. 19 Ito ay sapagkat kapuri-puri ang isang taong namimighati at naghi­hirap kahit walang sala kung ang kaniyang budhi ay umaasa sa Diyos. 20 Maipag­mamapuri ba kung kayo ay nagtitiis ng hirap ng pangbubugbog dahil sa paggawa ng kasalanan? Ngunit kung kayo ay nagtitiis ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti ito ay kalugud-lugod sa Diyos. 21 Ito ay sapagkat tinawag kayo sa ganitong bagay. Si Cristo man ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga hakbang.

22 Hindi siya nagkasala at walang pandarayang namutawi sa kaniyang bibig.

23 Nang alipustain siya, hindi siya nang-alipusta. Nang nag­hirap siya, hindi siya nagbanta. Sa halip, ang kaniyang sarili ay ipinagkatiwala niya sa kaniya na humahatol nang matuwid. 24 Dinala niya sa kaniyang sariling katawan ang ating mga kasalanan sa ibabaw ng kahoy upang tayo na namatay sa kasalanan ay maging buhay sa katuwiran at dahil sa kaniyang sugat kayo ay gumaling. 25 Ito ay sapagkat kayo ay tulad ng mga tupa na naligaw, ngunit nagbalik na kayo ngayon sa Pastol at Tagapangasiwa ng inyong mga kaluluwa.

Mga Asawang Babae at mga Asawang Lalaki

Kayo namang mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong sariling mga asawa. At kung mayroon pa sa kanila na hindi sumusunod sa salita ng Diyos ay madala rin sila ng walang salita sa pamamagitan ng pamumuhay ng asawang babae.

Madadala sila kapag nakita nila ang inyong dalisay na pamumuhay na may banal na pagkatakot. Ang inyong paggayak ay huwag maging sa panlabas lamang. Ito ay huwag maging gaya ng pagtitirintas ng buhok at pagsusuot ng mga hiyas na ginto at mamahaling damit. Sa halip, ang pagya­manin ninyo ay ang paggayak sa pagkatao na natatago sa inyong puso, ang kagayakang hindi nasisira na siyang bunga ng maamo at payapang espiritu. Ito ang lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. Ito ay sapagkat ganito ang kagayakang pinagyaman ng mga babaeng banal noong unang panahon. Sila ay nagtiwala sa Diyos at nagpasakop sa kanilang sariling asawa. Katulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang kaniyang asawang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sara kung mabuti ang inyong mga gawa at wala kayong katatakutang anuman.

Kayo namang mga asawang lalaki, manahan kayong may pang-unawa kasama ng inyong asawa tulad ng isang mahinang sisidlan. Bigyan ninyo sila ng karangalan sapagkat kapwa ninyo silang tagapagmana ng biyaya ng buhay. Sa gayon ay walang magiging hadlang sa inyong mga panalangin.

Pagdanas ng Hirap sa Paggawa ng Mabuti

Katapus-tapusan, magkaisa kayo, magdamayan, magma­halan bilang magkakapatid. Kayo ay maging maawain at mapagkaibigan.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala. 10 Ito ay sapagkat nasusulat:

Ang nagnanais umibig sa buhay at makakita ng mabubuting araw ay dapat magpigil ang dila mula sa pagsasalita ng masama. At ang kaniyang labi ay dapat pigilin sa pagsalita ng pandaraya.

11 Tumalikod siya sa masama at gumawa siya ng mabuti. Hanapin niya ang kapayapaan at ipagpatuloy niya ito. 12 Ito ay sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid. Ang kaniyang tainga ay dumirinig ng kanilang panalangin. Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.

13 Kapag ang sinusunod ninyo ay ang mabuti, sino ang mananakit sa inyo? 14 At kung uusigin kayo sa paggawa ng mabuti, pinagpala pa rin kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pinangangambahan at huwag kayong mabagabag. 15 Ngunit pakabanalin ninyo ang Panginoong Diyos sa inyong mga puso. Humanda kayong lagi na sumagot sa sinumang magtatanong sa inyo patungkol sa inyong pag-asa, na may kaamuan at pagkatakot. 16 Magkaroon kayo ng magandang budhi upang mapahiya ang mga naninirang-puri sa inyo na nagsasabing gumagawa kayo ng masama at tumutuya sa inyong magandang pamumuhay kay Cristo. 17 Ito ay sapagkat kung loloobin ng Diyos, higit na mabuti ang magdusa nang dahil sa paggawa ng kabutihan kaysa paggawa ng kasamaan.

18 Dahil si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay siya sa laman ngunit binuhay siya sa pamamagitan ng Espiritu. 19 Sa pamamagitan din niya pumunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Iyan ang mga espiritung sumuway, na nang minsan ay hinintay ng pagbabata ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa ang arka. Ilan tao lamang ang naligtas. Walo lamang ang naligtas sa arka sa pamamagitan ng tubig. 21 Ang tubig na iyon ang larawan ng bawtismo na ngayon ay nagliligtas sa atin. Hindi sa paglilinis ng karumihan ng makasalanang likas kundi ang tugon ng isang malinis na budhi sa Diyos. Ito ay sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo. 22 Siya ay umakyat sa langit at nasa kanan ng Diyos. Ipinasailalim na sa kaniya ng Diyos ang mga anghel, ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.