Add parallel Print Page Options

21 Dahil ang tanawin ay labis na nakaka­sindak, sinabi ni Moises: Nilukuban ako ng takot at ako ay nanginig.

22 Subalit kayo ay nakalapit na sa bundok ng Zion at sa lungsod ng buhay na Diyos, sa Jerusalem na maka-langit at sa hindi mabilang na mga anghel. 23 Lumapit na kayo sa pangkalahatang pagtitipon at sa iglesiya ng mga panganay na nakatala sa kalangitan. Lumapit na kayo sa Diyos na hukom ng lahat at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinaging-ganap.

Read full chapter