Add parallel Print Page Options

12 Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa ating mga kasalanan, at hindi na ito mauulit kailanman. Pagkatapos nito, umupo na siya sa kanan ng Dios. 13 At hinihintay na lang niya ngayon ang panahong pasukuin sa kanya ng Dios ang mga kaaway niya. 14 Kaya sa pamamagitan lang ng minsang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinabanal[a] niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:14 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios para sa kanya.