Hebreo 12:18-24
Ang Salita ng Diyos
18 Sapagkat hindi kayo nakalapit sa bundok na inyong mahihipo na naglalagablab sa apoy, sa kapusikitan, sa kadiliman at sa unos. 19 At ang naroon ay tunog ng trumpeta at ang tinig ng mga salita. Pagkarinig nila ng tinig nito, nagsumamo sila na huwag nang banggitin sa kanilang muli ang mga salitang ito. 20 Sapagkat hindi nila makayanang dalhin ang iniutos na sinabi: Kung ang isang hayop ay madikit sa bundok, dapat ninyong batuhin at sa pamagitan ng sibat ay inyong tuhugin. 21 Dahil ang tanawin ay labis na nakakasindak, sinabi ni Moises: Nilukuban ako ng takot at ako ay nanginig.
22 Subalit kayo ay nakalapit na sa bundok ng Zion at sa lungsod ng buhay na Diyos, sa Jerusalem na maka-langit at sa hindi mabilang na mga anghel. 23 Lumapit na kayo sa pangkalahatang pagtitipon at sa iglesiya ng mga panganay na nakatala sa kalangitan. Lumapit na kayo sa Diyos na hukom ng lahat at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinaging-ganap. 24 Lumapit na kayo kay Jesus na siyang tagapamagitan ng isang bagong tipan at sa dugo na kaniyang iwinisik na nangungusap ng higit na mabubuting bagay kaysa sa dugo ni Abel.
Read full chapter
1 Juan 2:8
Ang Salita ng Diyos
8 Muli, isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo na totoo sa kaniya at sa inyo sapagkat ang kadiliman ay napapawi na at ang tunay na liwanag ay sumisikat na.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International