Add parallel Print Page Options

Ang Kagandahan ng Bagong Templo

1-2 Noong ika-21 ng sumunod na buwan,[a] sinugo ng Panginoon si Propeta Hageo para sabihin kina Zerubabel, Josue, at sa iba pang mga Israelitang nakabalik sa Israel: “Sino sa inyo ang nakakita ng kagandahan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito. Pero magpakatatag kayo! Ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng templo dahil kasama ninyo ako, ang Makapangyarihang Panginoon. Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila[b] sa Egipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.

Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi na hindi magtatagal ay minsan ko pang yayanigin ang langit at ang mundo, ang lupa at ang dagat. Yayanigin ko ang lahat ng bansa at dadalhin nila rito sa templo ang kanilang mga kayamanan. Kaya mapupuno ang templong ito ng mga mamahaling bagay. Sapagkat ang mga ginto at mga pilak ay akin. Magiging mas maganda ang bagong templo kaysa sa dati. At bibigyan ko ang lugar na ito[c] ng kapayapaan at mabuting kalagayan sa buhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ang Pangako ng Dios na Pagpapala

10 Nang ika-24 ng ikasiyam na buwan, noong ikalawang taon ng paghahari ni Darius, sinabi ng Panginoon kay Hageo, 11 “Tanungin mo ang mga pari kung ano ang sinasabi ng kautusan tungkol sa bagay na ito: 12 Halimbawa, may isang tao na may dalang sagradong karne[d] sa kanyang damit, at nasagi ito sa tinapay, sabaw, inumin, langis, o anumang pagkain, maaapektuhan ba ang mga ito ng pagkasagrado ng karne?” Sumagot ang mga pari, “Hindi.” 13 Kaya nagtanong pa si Hageo, “Kung halimbawa, ang mga pagkaing nabanggit ay nasagi ng taong itinuturing na marumi dahil nakahipo siya ng patay, magiging marumi rin ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari “Oo.” 14 Sinabi ni Hageo, “Ganyan din noon ang mga mamamayan ng Israel, sabi ng Panginoon. Noon anuman ang kanilang mga ginawa at mga inihandog ay marumi sa paningin ng Panginoon. 15 Mula ngayon, isipin ninyong mabuti ang mga nangyari sa inyo bago ninyo umpisahan ang pagtatayo ng templo ng Panginoon. 16 Sapagkat noon, kapag pumunta kayo sa mga bunton ng inyong mga trigo na umaasang makakaipon ng mga 20 takal, ang nakukuha ninyo ay sampu lang. At kapag pumunta kayo sa pisaan ng inyong ubas na umaasang makakakuha ng 50 galon, ang nakukuha ninyo ay 20 galon lang. 17 Sinira ng Panginoon ang inyong mga pananim sa pamamagitan ng mainit na hangin, peste, at pagpapaulan ng yelo na parang mga bato, pero hindi pa rin kayo nagbalik-loob sa kanya. 18 Ika-24 na araw ngayon ng ikasiyam na buwan, at ngayong araw na ito natapos ang pundasyon ng templo. Tingnan ninyo kung ano ang mangyayari mula sa araw na ito. 19 Kahit wala nang natirang trigo, at wala nang bunga ang mga ubas at ang mga kahoy ng igos, pomegranata, at olibo, pagpapalain naman kayo ng Panginoon simula sa araw na ito.”

Ang Pangako ng Dios kay Zerubabel

20 Nang araw ding iyon,[e] muling nagsalita ang Panginoon kay Hageo. 21 Sinabi niya, “Sabihin mo kay Zerubabel na yayanigin ko ang langit at ang mundo. 22 Ibabagsak ko ang mga kaharian at wawakasan ang kapangyarihan nila. Ibubuwal ko ang kanilang mga karwahe at ang mga sakay nito. Mamamatay ang mga kabayo at magpapatayan ang mga mangangabayo. 23 At sabihin mo rin kay Zerubabel na aking lingkod na sa araw na iyon ay pamamahalain ko siya sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, dahil siya ay hinirang ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Footnotes

  1. 2:1-2 sumunod na buwan: sa literal, ikapitong buwan.
  2. 2:5 sila: sa Hebreo, kayo.
  3. 2:9 ang lugar na ito: Ang templo o ang Jerusalem.
  4. 2:12 sagradong karne: Ang ibig sabihin, karneng handog sa Dios.
  5. 2:20 Nang araw ding iyon: sa literal, Nang ika-24 na araw ng buwan na iyon.

Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

Salitain mo ngayon kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa nalabi sa bayan, na sabihin mo,

Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?

Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Ayon sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

10 Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,

12 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi.

13 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang marumi dahil sa bangkay ay masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.

14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.

15 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon.

16 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.

17 Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.

19 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.

20 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,

21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa;

22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

新殿的荣耀胜过前殿

七月二十一日,耶和华的话临到哈该先知说: “你要对撒拉铁的儿子犹大省长所罗巴伯,和约撒答的儿子大祭司约书亚,以及所有余剩的子民,说: ‘你们中间剩下的人,有谁见过这殿宇从前的荣耀呢?现在你们又看它怎样?岂不是视如无物一样吗?’” 耶和华说:“所罗巴伯啊!现在你要刚强。”耶和华说:“约撒答的儿子大祭司约书亚啊!你要刚强;这地的一切子民啊!你们也要刚强,并且要作工。”万军之耶和华说:“因为我与你们同在。 这就是你们从埃及出来的时候,我与你们立约的话。现在我的灵住在你们中间;你们不要惧怕。” 因为万军之耶和华这样说:“再过不多的时候,我要震动天、地、海洋和旱地。” 万军之耶和华说:“我要震动万国,万国的珍宝就必运来;我要使这殿宇充满荣耀。” 万军之耶和华说:“银子是我的,金子也是我的。” 万军之耶和华说:“这殿宇后来的荣耀,必大过先前的荣耀。”万军之耶和华说:“在这地方,我必赐下平安。”

指出人民的恶行

10 大利乌王第二年九月二十四日,耶和华的话临到哈该先知说: 11 “万军之耶和华这样说:你要向祭司询问有关律法的事说: 12 人若用自己的衣襟盛载圣肉,后来又使自己的衣襟触着饼、汤、酒、油或别的食物,这就算为圣吗?”祭司都回答说:“不算为圣。” 13 哈该又说:“人若因触着尸体而成为不洁,又触着这些东西的任何一样,这就算为不洁吗?”祭司都回答说:“要算为不洁净。” 14 于是哈该回答,说:“耶和华说:‘这民也是这样,这国在我面前也是这样;他们手里的一切工作,都是这样;他们在那里所献的,都是不洁净的。’

耶和华应许赐福

15 “现在你们要反省,从今日起回想过往,就是在耶和华的殿还没有一块石头叠在另一块石头上面以前, 16 那时你们怎样呢?有人到谷堆来,想得两百公斤谷,却只得一百公斤;有人到榨酒池去,想从酒槽得一百公升酒,却只得四十公升。 17 耶和华说:‘我用旱风、霉烂和冰雹击打你们,和你们手里的一切工作,你们还是不归向我。 18 你们要反省,从今日起回想过往,就是自九月二十四日起,从耶和华殿的奠基日开始,你们要反省: 19 仓里还有种子吗?葡萄树、无花果树、石榴树和橄榄树,岂是还没有结果子吗?从今日起,我必赐福。’”

应许拣选所罗巴伯

20 同月二十四日,耶和华的话再次临到哈该,说: 21 “你要向犹大省长所罗巴伯说:‘我要震动天地, 22 我必倾覆列国的宝座,消灭外族万国的势力,我必推翻战车和驾车的人;马匹和骑马的都必跌倒;各人必死在自己兄弟的刀下。’ 23 万军之耶和华说:‘撒拉铁的儿子,我的仆人所罗巴伯啊!到那日我必提拔你。’耶和华说:‘我必以你为印记。’万军之耶和华说:‘因为我拣选了你。’”

In the seventh month, in the one and twentieth day of the month, came the word of the Lord by the prophet Haggai, saying,

Speak now to Zerubbabel the son of Shealtiel, governor of Judah, and to Joshua the son of Josedech, the high priest, and to the residue of the people, saying,

Who is left among you that saw this house in her first glory? and how do ye see it now? is it not in your eyes in comparison of it as nothing?

Yet now be strong, O Zerubbabel, saith the Lord; and be strong, O Joshua, son of Josedech, the high priest; and be strong, all ye people of the land, saith the Lord, and work: for I am with you, saith the Lord of hosts:

According to the word that I covenanted with you when ye came out of Egypt, so my spirit remaineth among you: fear ye not.

For thus saith the Lord of hosts; Yet once, it is a little while, and I will shake the heavens, and the earth, and the sea, and the dry land;

And I will shake all nations, and the desire of all nations shall come: and I will fill this house with glory, saith the Lord of hosts.

The silver is mine, and the gold is mine, saith the Lord of hosts.

The glory of this latter house shall be greater than of the former, saith the Lord of hosts: and in this place will I give peace, saith the Lord of hosts.

10 In the four and twentieth day of the ninth month, in the second year of Darius, came the word of the Lord by Haggai the prophet, saying,

11 Thus saith the Lord of hosts; Ask now the priests concerning the law, saying,

12 If one bear holy flesh in the skirt of his garment, and with his skirt do touch bread, or pottage, or wine, or oil, or any meat, shall it be holy? And the priests answered and said, No.

13 Then said Haggai, If one that is unclean by a dead body touch any of these, shall it be unclean? And the priests answered and said, It shall be unclean.

14 Then answered Haggai, and said, So is this people, and so is this nation before me, saith the Lord; and so is every work of their hands; and that which they offer there is unclean.

15 And now, I pray you, consider from this day and upward, from before a stone was laid upon a stone in the temple of the Lord:

16 Since those days were, when one came to an heap of twenty measures, there were but ten: when one came to the pressfat for to draw out fifty vessels out of the press, there were but twenty.

17 I smote you with blasting and with mildew and with hail in all the labours of your hands; yet ye turned not to me, saith the Lord.

18 Consider now from this day and upward, from the four and twentieth day of the ninth month, even from the day that the foundation of the Lord's temple was laid, consider it.

19 Is the seed yet in the barn? yea, as yet the vine, and the fig tree, and the pomegranate, and the olive tree, hath not brought forth: from this day will I bless you.

20 And again the word of the Lord came unto Haggai in the four and twentieth day of the month, saying,

21 Speak to Zerubbabel, governor of Judah, saying, I will shake the heavens and the earth;

22 And I will overthrow the throne of kingdoms, and I will destroy the strength of the kingdoms of the heathen; and I will overthrow the chariots, and those that ride in them; and the horses and their riders shall come down, every one by the sword of his brother.

23 In that day, saith the Lord of hosts, will I take thee, O Zerubbabel, my servant, the son of Shealtiel, saith the Lord, and will make thee as a signet: for I have chosen thee, saith the Lord of hosts.