Add parallel Print Page Options

Ang Panalangin ni Habakuk

Ito ang panalangin ni Propeta Habakuk:[a] Panginoon, narinig ko po ang tungkol sa inyong mga ginawa, at ako ay lubos na humanga sa inyo. Gawin nʼyong muli sa aming panahon ang ginawa nʼyo noon. At sa araw na ipadama nʼyo ang inyong galit, maawa kayo sa amin.

“Ikaw ang Banal na Dios na darating[b] mula sa Teman at sa Bundok ng Paran.[c] At ang inyong kadakilaan ay makikita sa kalangitan, at dahil dito pupurihin kayo ng mga tao sa mundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:1 Sa Hebreo ay may karugtong pang “ayon sa ‘Shigionot’,” na hindi naman malinaw ang ibig sabihin. Maaaring ang ibig sabihin nito ay kung paano aawitin ang nasabing panalangin o kaya, anong instrumento ang gagamitin kapag inawit ito.
  2. 3:3 darating: o, dumating.
  3. 3:3 Teman at sa Bundok ng Paran: Itoʼy mga lugar sa gawing timog ng Juda na bahagi ng mga lugar na dinaanan ng mga Israelita noong lumabas sila sa Egipto, kung saan kanilang naranasan ang presensya ng Panginoon.