Add parallel Print Page Options

Dahil maraming bansa ang sinamsaman ninyo ng mga ari-arian, kayo naman ang sasamsaman ng mga natitirang tao sa mga bansang iyon. Mangyayari ito sa inyo dahil sa inyong pagpatay ng mga tao at pamiminsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

“ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay[a] sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan. 10 Dahil sa pagpatay ninyo ng maraming tao, kayo rin ay papatayin at wawasakin ang inyong mga bahay.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:9 nagpapatayo … bahay: o, nagpapalago ng kaharian.
  2. 2:10 bahay: o, kaharian.